Chapter 11
Nasa salon ako ngayon at hindi pa rin ako makaget-over sa sinabi ni Henry na baka daw soulmate kami. Pero nung sinabi niyang biro lang iyon ay syempre nadisaapoint naman ako nun.
*Ring! Ring!*
Bigla nalang nag-ring ang cellphone ko, siguro ay si Ailenne ito o kaya naman si Joanna. Silang dalawa lang naman yung laging tumatawag sakin. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at tama nga ang hinala ko si Joanna ito, sinagot ko naman agad ang tawag niya.
"Hello?" sabi ko agad.
"Leonoraaa!" tili ni Joanna.
"Ui, ano ba yun at wagas kang makatili?" tanong ko.
"Kasi alam mo ba, binigyan ako ni Henry ng flowers!" sabi ni Joanna.
"A-Ahh, talaga? Good news yan ah." sabi ko ng hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko.
Medyo parang na-awkward ako, kasi kanina lang kasabay ko siya mag-breakfast sa isang cafe tapos ngayon dumiretso pala siya sa office ni Joanna at binigyan pa niya ito ng flowers. Lalo tuloy ako nasasaktan, ano ba toh. In the first place, alam ko namang si Joanna at Henry pa rin sa huli kasi nga mag-fiancé na sila. Pinagkasundo na sila ng nga magulang nila kaya dapat ko na talagang tanggapin iyon at ita-try ko rin yung best ko na kalimutan siya.
"Sobrang good news! Grabe kinilig nga ako eh!" sigaw ni Joanna.
"Sige, may gagawin muna ako next time mo nalang ituloy." sabi ko at agad na pinutol ang linya.
Pati tuloy yung pag-trato ko kay Joanna ay nadadamay dahil sa nararamdaman ko para kay Henry. Bakit ba naman kasi ganito! Ugh! If we are meant to be, we will be. Kung pumunta kaya ako mag-isa sa mall? Tapos pumunta ng arcade para lang malibang at hindi ko na siya maisip. Nagmadali akong umalis sa salon at pumunta na ako sa mall na malapit sa salon para lang mag-arcade.
Pagkadating ko sa may arcade ay agad akong pumunta dun sa may basketball at naglaro ako ng naglaro nito. Hindi ko alam pero once na naglaro ako nito, gumagaan yung pakiramdam ko para bang nababawasan kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko. Matapos kong maglaro ay syempre umuwi na ako agad sa bahay dahil baka mag-alala pa si mommy sakin pag ginabi ako.
Henry's POV
"Henry! I bought flowers for Joanna, ikaw ang magbigay sa kanya at wag mong sabihing galing sakin." sabi ni mommy.
"Mom, ikaw na po ang magbigay niyang kay Joan, magbibreakfast muna po ako." sabi ko.
"No! Ikaw na ang magbigay at sabay ka nalang kay Joanna magbreakfast, yayain mo siya pero bigay mo muna yung flowers." sabi ni mommy at nakataas na ang isang kilay.
Ang kulit talaga ni mommy, talagang pinipilit akong ligawan si Joan, eh kaibigan lang ang turing ko kay Joanna at ayokong magpakasal pa muna. Gusto ko magpakasal sa babaeng mahal ko. Yes, mahal ko si Joanna pero platonic love lang as in bilang kaibigan at walang halong malisya. Kaso pinagkasundo na kami ng parents namin, malamang dahil sa business nanaman iyon. Nag-iisang anak lang din kasi ako eh, kaya ako daw ang tagapagmana.
Syempre napilit nanaman ako ni mommy, hindi na ako nagbreakfast pero ayoko namang magbreakfast kasama si Joanna dahil baka mag-expect nanaman siya. Balak ko nga dapat na hindi nalang muna ibigay yung flowers para hindi na tumaas ang expectations niya pero alam kong tatanungin siya ni mommy, kung may binigay ba akong flowers o wala. May nadaanan akong cafe kaya dun na ako nagbreakfast at nung maka-order na ako ay nakita ko si Leonora sa isang table, kaya dun na ko umupo.
"Miss, puwede bang makiupo?" pambungad ko sa kanya.
"Ahh, sige umupo ka na diyan." aniya.
Nagtanong pa ako at sumasagot naman siya sa tanong ko.
"Haha, sakto talaga noh. Lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana." bigla niya sinabi tapos parang nag-blush siya.
Hindi ko alam pero parang iba yung dating ni Leonora sakin, para siyang isang kakaibang babae.
"Hindi kaya, soulmate tayo?" sabi ko at ngumiti.
Hindi siya nagsalita pero ngumiti naman siya pabalik sa akin. Ang ganda niya lalo na pag-ngumingiti.
"Biro lang yun." sabi ko.
Sinabi kong biro lang yun, dahil parang na-awkward siya kasi kaibigan niya si Joanna which is yung babaeng ipinagkasundo sa akin. Matapos naming mag-breakfast ay dumiretso ako sa office ni Joanna, binigay ko lang yung flowers at umalis na agad ako.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Genel KurguMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...