Chapter 42
Nandito na kami sa bahay ni Henry, hindi daw siya pumasok ngayong araw para sakin. Mabuti nalang at wala ang mommy ni Henry, pero panigurado mamaya ay uuwi na din yun.
"Saan mo gustong kwarto tumuloy?" sabi ni Henry nang makadating kami sa sala.
"H-Huh?" inosente kong tanong.
"Sa kwarto nalang kita." sabi niya at ibinulong iyon sa tainga ko.
"W-Wag na, k-kung may ibang kwarto pa? O-Or I don't know." nauutal-utal kong sagot.
Uminit ang pisngi ko at sobrang pula na siguro ng mukha ko ngayon! Iba talaga ang epekto sa akin ng isang Henry Alcantara.
"Hahahaha, sige na doon ka na sa guest room. Doon ka sa guest room na katabi ng kwarto ko." sabi ni Henry at umakyat na sa hagdanan.
Sumunod naman ako sa kanya at nang makarating na kami ay mas doble yung laki nung guest room nila sa kwarto ko doon kela Ivan. Agad kong inayos yung mga gamit ko at may nakita akong closet doon ay agad kong nilagay yung mga damit ko doon, mabilis ko naman naayos iyon dahil sa kakaunti lang ang mga gamit ko. Nang natapos akong mag-ayos ay umupo ako sa kama. Umupo naman si Henry sa tabi ko.
"Ang bango mo talaga." sabi ni Henry habang yung mukha niya ay nasa leeg ko.
"Henry!" sabi ko.
Humalakhak lang naman siya. Uminit nanaman yung pisngi ko sa ginawa niya.
"Ano? Gusto mo na bang umalis tayo at ibibili na kita ng iphone. Para naman kahit nasa office ako ay natatawagan kita." aniya.
"O-Okay, pero maliligo muna ako." sabi ko at kumuha na ng mga damit ko sa closet.
"Sige, doon muna ako sa kwarto ko. Puntahan mo nalang ako sa kabilang kwarto nandoon lang ako." aniya.
Tumango naman ako sa sinabi niya at pumunta na ako doon sa bathroom. May bathroom naman dito sa loob ng kwarto, kaya hindi na ako mahihirapan pang lumabas dito sa kwarto at maghanap ng bathroom.
***
Nang matapos na akong maligo at makapag-bihis ay pumunta na ako sa kwarto ni Henry. Ang laki ng kwarto niya! At ang lamig siguro 24/7 nakabukas ang aircon niya.
"H-Henry, okay na ako." sabi ko kay Henry na nakahiga sa malaki niyang kama.
"Andiyan ka na pala, muntikan na akong makatulog." aniya.
"Ang lamig dito sa kwarto mo sobra 24/7 ba yung aircon mo?" tanong ko at umupo ako sa gilid ng kama niya.
"Hahaha, gusto mong magpainit? Para mabawasan yung lamig na nararamdaman mo?" aniya.
"Henry! Ang manyak mo!" sigaw ko.
"Biro lang, naglalambing lang eh." sabi ni Henry at niyakap ako ng mahigpit sa likuran.
"H-Halika na nga." sabi ko at kumawala ako sa yakap niya at tumayo na.
"Okay boss." aniya.
Lumabas na kami ng kwarto niya at bumaba na ng hagdanan. Pumunta kami sa garage nila at nang makadating kami sa kotse niya ay agad niya akong pinagbuksan sa kotse niya sa may front seat. Pinanood ko naman siyang umikot patungong driver's seat. Tahimik lang kaming bumyahe.
***
Nang makarating na kami sa isang mall ay syempre pinark ni Henry iyong kotse niya at pinagbuksan niya uli ako para makababa ako. Inakbayan niya ako habang papasok kami sa mall.
"Bakit naka-shorts ka nanaman?" tanong niya sakin.
Nakamaong na shorts kasi ako at simpleng kulay pink na T-Shirt tsaka naka-rubber shoes ako.
"Yaan mo na, komportable din naman ako sa shorts." sabi ko.
"Tsss, lika ibibili din kitang maraming pants." aniya.
"Henry, please wag na. Kasi sakto na yung mga gamit ko sakin kaya wag mo nalang akong ibili ng pants." sabi ko.
"Okay." sabi niya at ngumuso pa.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...