Chapter 38

2.6K 61 6
                                    

A/N: Natutuwa po ako sa comments niyo :) thank you po sa lahat ng mga nakaka-appreciate ng story kong ito huehuehue.
-----------------------------------------------------------------
Chapter 38

"I—Ivan" nauutal kong binaggit ang pangalan niya.

Napatayo ako at nginitian niya lang ako.

"Ano bang ginagawa sa gitna ng kalsada at nagpaulan ka pa?" aniya.

"Uhm, masyadong mahaba kung ikukuwento ko sayo ngayon siguro next time nalang." sabi ko at ngumiti nalang din.

Bigla naman niya ako niyakap ng mahigpit, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon.

"Sana sinabi mo sakin kung may problema ka tutulungan naman agad kita eh." sabi niya.

Medyo tinulak ko siya ng kaunti dahil nakayakap siya sakin.

"T—Thank you dahil concern ka sakin. May nangyari lang kasi sa amin ni mommy—I mean Ma'am Sarah kaya napalayas ako sa bahay." sabi ko at yumuko.

Nahihiya kasi akong tumingin kay Ivan hindi ko nga alam kung bakit.

"Edi sa bahay muna kita iuuwi." sabi niya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang gwapo niyang mukhang nakangiti. Minsan nga nagtataka ako kung bakit wala pa siyang girlfriend or asawa eh sobrang gwapo niya kaya tapos ang tangkad niya at mestizo pa!

Ayy, ano ba tong mga naiisip ko. I shook my head para matanggal ang kung ano-anong iniisip ko.

"T—Talaga? Sorry makaka-istorbo pa tuloy ako sayo. P—Pero wala lang talaga akong mapupuntahan ngayon, pero don't worry kapag nakahanap na ako ulit ng trabaho I'll promise aalis din agad ako at maghahanap ng matitirahan." sabi ko.

"Mag-isa lang naman ako sa bahay at marami pang extra rooms sa bahay. At mabuti nga'ng nandoon ka para may kasama ako sa bahay. Nakakaboring din kasi kapag walang kasama sa bahay and you can stay there whenever you want." sabi niya.

"S—Salamat talaga." sabi ko.

"Halika na." aniya.

I nodded, and I followed him papunta sa kotse niya na nakapark sa hindi naman kalayuan.

Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar na niya ito. Binalot kami ng nakabibinging katahimikan.

"Nabasa ko pa tuloy yung upuan ng kotse mo." sabi ko na nakapagpabasag sa katahimikan.

"Okay lang." aniya.

***

Nandito na kami sa bahay niya, actually katabi lang nito ang bahay ni mommy. Kaya kapitbahay ko lang siya. Bumaba na kami sa sasakyan niya at pumasok na sa bahay niya. Pinark na rin niya sa garage niya ang kotse niya.

Nakapasok na ako sa bahay at namangha ako sa itsura nito. Black and white lang ang kulay ng buong bahay pati na rin ang mga gamit doon, napaka-simple pero sobrang ganda talaga ng bahay niya. Pero mas malaki pa rin yung bahay ni mommy. Pero malaki rin naman ang bahay ni Ivan pero siguro hindi na siya nagpagawa ng sobrang laki pa dahil nga mag-isa lang naman siya.

Nagulat ako ng may ipinatong sa likod ko si Ivan na towel.

"Thanks." sabi ko.

"Halika na hatid na kita sa magiging kwarto mo." aniya.

"Sige." sabi ko.

Umakyat kami at pumasok sa isang kwarto roon. Namangha ako dahil ang ganda din ng magiging kwarto ko, black and white pa din at sobrang linis talaga.

"I—Ikaw lang ba ang naglilinis ng bahay mo?" tanong ko.

"Hindi may kasambahay naman ako pero mga thrice a week ko lang sila pinapapunta. Para lang maglaba, magplantsya at maglinis." he chuckled.

"Ahh." iyan lang ang tanging sagot ko.

"May dala ka bang damit?" tanong niya.

"Uhm, oo nga pala w—wala akong dala." sabi ko.

"Sige papahiramin muna kita ng T-Shirt ko." aniya.

"Salamat." sabi ko.

Lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay pumunta na sa bathroom ng kwarto. Nag-shower na ako at pagkatapos kong mag-shower ay lumabas na ako para pumunta sa kwarto pero nagulat ako ng nandoon si Ivan. Nakatapis lang ako ng puting towel kaya feeling ko umakyat yung lahat ng dugo ko sa mukha. Nakakahiya!

"Ahh, ito. May dala akong short at T-Shirt. Uhm, itong short ay nakuha ko sa kwarto nung pinsan kong babae. Dito rin kasi siya madalas mag-stay kapag umuuwi galing Singapore. Hiramin mo muna." aniya.

"S—Sige, thanks." sabi ko.

Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin at tumakbo palabas. Shet na malagket! Nakakahiya! Nakatapis lang ako eh. Arrrghh, hindi ko pa naman siya ganoon ka-close hiyang-hiya tuloy ako sa kanya.

Pumunta ako sa bathroom at nilabhan ko yung underwears ko. Tapos pinatuyo ko agad tinapatan ko pa nga ng electric fan para mabilis matuyo. Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas at tuyo na rin ito. Sinuot ko ito at sinuot ko na rin yung T-Shirt ni Ivan na hanggang sa tuhod ko at yung short daw nung pinsan niya na sakto naman sakin.

Bumaba ako at nakita ko si Ivan sa may dining room na inihahanda ang mga pagkain. Agad naman akong tumakbo patungo doon.

"Ui! Ako na diyan." sabi ko tapos kinuha ko yung pagkaing nasa bowl na hawak niya.

Nakatinginan kami kasi nahawakan ko yung kamay niya. Agad ko namang binitawan yung kamay kong nakadampi sa kamay niyang may hawak na bowl na may lamang pagkain.

"S—Sorry." sabi ko.

Nakita kong napalunok siya at hindi ko alam kung bakit.

"O—Okay lang, umupo ka nalang ako na maghahanda ng pagkain. Bisita kita dito." aniya.

Para akong batang napatango nalang sa sinabi niya at umupo nalang ako. Umupo naman siya sa may upuan sa harap ko at tahimik lang kaming kumain.

Matapos naming kumain ay pumunta kaming sala niya, at dahil sa hindi pa kami inaantok ay niyaya niya akong manood ng movie at pumayag naman ako. Nai-kuwento ko na rin kay Ivan yung nangyari sakin kung bakit ako napalayas.

Nung magsisimula na yung movie ay nakaupo na ako sa sofa niya at umupo naman siya sa tabi ko at may dala din siyang pop corn. Nakatitig lang ako sa TV at nanonood na.

"You look so hot, lalo na't suot mo yung T-shirt ko." bulong ni Ivan kaya naman nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko. Nagsitayuan nga ang mga balahibo ko eh. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig nalang sa TV.

I swallowed hard at parang ang lakas ng tibok ng puso ko. Siguro dahil lang sa sinabi niya.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon