Chapter 55

2.4K 51 1
                                    

Chapter 55

Ang tagal na ng pagkakayakap sakin ni Ivan kaya naman tinulak ko siya ng mahina. At kumalas naman siya sa pagkakayakap sakin.

"I-Ivan, sana hindi mo nalang ako pinuntahan dito." sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Naging mabait sakin si Ivan, sobrang bait niya sakin. Kaya natatakot akong saktan siya, ayoko naman din kasi siyang paasahin. Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala siyang mapapala sakin.

"Hayaan mo nalang ako na umaligid sayo, gusto kita Leonora. Gustong gusto, sana naman bigyan mo ko ng chance please." sabi sakim ni Ivan.

Umiling ako sa kanya.

"Pero—" sabi ko na hindi na tuloy dahil sa bigla niyang pagsasalita.

"Hindi naman kita minamadali. I can wait Leonora." sabi ni Ivan.

"Ivan, umuwi ka na ng Manila. W-Wala kang matutuluyan dito. Hindi kita mapapatuloy sa bahay dahil maliit lang ang bahay namin." sabi ko.

"Wag kang mag-alala, nagpa-book naman ako sa isang hotel na medyo malapit dito sa lugar niyo." aniya.

Tumango nalang ako.

"Kailangan ko ng bumalik sa carenderia. Magpahinga ka na muna doon sa hotel." sabi ko.

"Okay, babalik ako dito." sabi niya at biglang hinalikan ang noo ko.

"Hatid na kita sa inyo." sabi ni Ivan.

"W–Wag na, kaya ko ng mag-isa." sabi ko.

"I insist, ihahatid kita konting lakad lang naman eh." aniya.

Wala na kong nagawa dahil sa kakulitan niya, kaya pumayag nalang ako na ihatid niya ako sa carenderia. Pagkahatid naman niya sakin ay syempre umalis na rin agad siya.

Henry's POV

Inatras ko yung sasakyan ko ng nakita kong paalis na si Leonora at Ivan sa bakanteng lote. Nakita ko si Leonora at gusto ko nalang bumaba ng sasakyan para yakapin siya ng mahigpit, kaso hindi ko alam kung huli na ba ako or what dahil nandoon si Ivan at kitang kita ko na nagyakapan silang dalawa.

Sinundan ko sila hanggang sa makarating doon sa may carenderia. Nang nakita kong umalis na si Ivan ay pinark ko ang kotse ko sa gilid at agad akong bumaba. Nag-half run ako papunta kay Leonora na nagluluto. Napalingon siya sa gawi ko at nakita kong ang gulat sa kanyang mukha.

"H–Henry" sabi niya at nabitawan niya yung hawak niyang kutsara na ginamit niya para tikman ang luto niya.


Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon