Chapter 23

3.4K 78 7
                                    

Chapter 23

Joanna's POV

Kinaumagahan ay agad ako'ng pumunta sa kumpanya nina Henry.

"Tita, ano na po? Nakausap niyo na po ba si Henry?" agad kong tanong sa mommy ni Henry ng makapasok ako sa opisina niya.

"Hija, sit down." aniya.

Umupo naman agad ako at umupo rin siya sa upua'ng nasa harap ko.

"Uhm... Mayaman naman pala iyong Leonora'ng iyon noh? Anyway, pumayag na ako sa relasyon nilang dalawa. Wala na naman akong magagawa dahil mahal nila ang isa't isa eh." sabi ni tita na ikinagulat ko.

"WHAT?!" napatayo ako sa gulat at napasigaw.

What the hell?! Hindi ito maaaring mangyari!

"Calm down, hija." aniya.

"Tita! Ako ang tagapagmana ng kumpanya namin! Mas mayaman pa ako sa Leonora'ng iyon!" sigaw ko.

"Pero siya ang gusto ni Henry. Isa pa si Sarah De Guzman ay isa sa pinaka-mayaman at maraming connection dito sa Manila at siya ang mommy ni Leonora." sabi ng mommy ni Henry.

Alam ko naman ang ugali ng nanay ni Henry. Pagdating sa mga babae ang gusto ni tita ay mayamang babae ang mapapangasawa ni Henry, para na rin sa kumpanya nila.

"Mas mayaman at mas makoneksyon ang pamilya namin!" sabi ko.

"Well, yes. Siguro nga mas mayaman kayo. Pero siya ang gusto ni Henry. Wala na tayong magagawa doon. I'll talk to your parents, kapag may time ako." sabi ng mommy ni Henry.

What the fvck! No way! Agad na akong umalis doon sa opisina ng matandang matapobre na iyon!

Hindi! Hindi ito maaaring mangyari! Tandaan mo ito Leonora! Hahanapan kita ng butas! Hahanapan kita ng ikasisira mo! Humanda ka, sinira mo ang buhay ko! Kaya mas sisirain ko ang buhay mo!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at may tinawagan ako.

"Hello? Ma'am napatawag po kayo?" sinagot niya ang tawag ko.

"Hello, may ipapagawa ako sayo." sabi ko.

Humanda ka Leonora. Magsisisi kang ako pa ang iyong kinalaban!

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon