Chapter 41

2.5K 47 1
                                    

Chapter 41

Lumapit sakin si Henry at tumibok nanaman itong pasaway kong puso at hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng dating niya sakin.

"Leonora, hinihintay kitang lumabas sa bahay ninyo. Tinitext kita, door bell ako ng door bell sa bahay niyo pero lagi nilang sinasabi na wala ka na daw doon. Pumunta ako sa salon mo pero iba na daw ang boss nila, yung Ashley ba yun? Basta hinahanap kita. Akala ko tinataguan mo na ako, akala ko nilalayuan mo na ako." mahabang sabi ni Henry at niyakap ako ng sobrang higpit.

Nang kumalas si Henry sa pagkakayap sakin ay pinapasok ko siya doon sa bahay ni Ivan at pinaupo sa sofa sa may sala.

"K-Kaninong bahay ito? At bakit ka ba nandito?" tanong ni Henry.

"Kay Ivan ito, yung classmate ko dati. Wala na kasi akong matutuluyan kaya tinulangan niya ako." sabi ko.

"Wala kang matutuluyan? Bakit? Ano bang nangyari? Sana tinext or tinawagan mo nalang ako. Sobrang nag-aalala na ako sayo at bakit sa isang lalaki ka nakikituloy?! Leonora kayong dalawa lang ba ang nandito?!" mariing tanong niya sakin.

"O-Oo, wala din kasi siyang kasama dito sa bahay niya kaya nga pinatuloy niya na din ako." sabi ko.

"Leonora naman! Paano kapag may ginawa sayong masama yang lalaking iyan?! At ayokong may nakakasama kang lalaki! Dapat ako lang Leonora! Ako lang!" mariin niyang sinabi.

Kinuwento ko nalang kay Henry ang lahat-lahat ng pangyayari, kung bakit ako napalayas ng bahay at kung bakit wala akong cellphone para maitext siya. Kinuwento ko rin sa kanya yung binilhan ako ni Ivan ng iphone at nga damit. Pero sinabi ko din na hindi ko pa nagagamit yung iphone kaya hindi ko siya natext at hindi ko din naman kabisado ang number niya.

"Ganoon ba? Pero sa amin ka nalang muna tumira. Ayokong nandito ka." sabi niya.

"P-Pero, hindi naman ako puwede sa inyo." sabi ko

"Bakit naman hindi puwede?!" tanong niya.

"K-Kasi baka magalit ang mommy mo." sabi ko.

"Akong bahala hindi iyon magagalit, kung gusto mo ibili nalang kita ng condo at kahit dun ka nalang mag-stay kahit kailan mo gusto. Or gusto mo doon nalang din ako para magkasama tayo." sabi niya at ngumisi pa ng nakakaloko.

"Naku, wag na! Gagastos ka pa at okay kang naman ako dito eh." sabi ko.

"No! Hindi ka na ulit makikitira dito! At lagi ka bang nakashorts? Ako lang dapat nakakakita ng legs mo! Kasi nagseselos ako kapag may ibang nakakakita niyan! Baka mamaya pinagnanasahan ka na nung Ivan na yun!" sigaw ni Henry at pumula ang buong mukha. Kitang-kita rin ang pamumula niya dahil mestizo siya at mas matangkad siya ng kaunti kay Ivan. Ang cute niyang mamula.

"Mabait naman si Ivan eh." pagkasabi ko noon at bigla siyang sumimangot.

"So, gusto mo na siya?" sabi niya sakin.

"Oo gusto ko siya as friend." sabi ko.

"Tsss. Wala akong pakielam kung gano pa iyan kabait! Basta sa bahay ka nalang mag-stay!" aniya.

"P-Pero" sabi ko na hindi natapos dahil agad siyang sumabat.

"Please, wala ng pero-pero. Nag-aalala ako sayo at ayokong sa ibang lalaki ka mag-stay. Atsaka, papayag akong dalhin mo yung mga gamit na binili niya sayo except yung cellphone. Dahil paniguradong alam niya number mo doon at itetext ka niya, ibibili nalang kita ng bagong iphone." sabi ni Henry gamit ang ma-awtoridad niyang boses.

Wala din akong nagawa dahil sobrang mapilit niya at makulit. Inayos ko ang ibang mga gamit ko at inilagay sa paper bag. Wala kaso akong bag na malaki kaya yung mga pinaglagyan nila noong binili sila ay doon ko nalang din nilagay. Agad naman akong tinulungan ni Henry na buhatin iyon at inilagay niya sa compartment ng sasakyan niya. Nasa sasakyan na niya ang mga gamit ko pero iniwan ko yung cellphone sa guest room. Humingi ako kay Henry ng sticky note niya at ballpen dahil mag-iiwan ako ng note para kay Ivan.

"Ivan, thank you sa mga gamit, thank you sa iphone, at basta thank you so much sa pagtulong sakin! Malaki ang utanb na loob ko sayo at hinding-hindi ko ito makakalimutan. Pero dumating kasi si Henry at sinabi niya na doon na ako mag-stay sa kanila. Pumayag na naman din ako para hindi na rin maka-abala pa sayo. Once again thank you talaga :)" yan ang nilagay ko sa sticky note at inilagay ko iyon sa ibabaw nung kahon nung iphone na ibinili niya sakin.

Bumaba na ako at sumakay na kami ni Henry sa kotse niya. Sana naman matanggap ako ng mommy niyang mag-stay doon. Kinakabahan talaga ako sa mommy ni Henry, sobrang kinakabahan talaga ako. Sana lang talaga, hindi pumunta si Joanna doon dahil mas lalong gugulo ang magulo ko nang buhay.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon