Chapter 51
Joanna's POV
Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong tumungo sa kwarto ko at doon pa ako lalong humagulgol. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, bakit ba lagi nalang si Leonora? Anong bang meron siya na wala ako?! Mas mayaman naman ako sa kanya ahh! At bata palang kami ni Henry ay magkakilala na kami! Eh, si Leonora kailan lang niya nakilala ahh. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nag-ring yung cellphone ko. Nakita kong si tita yung tumatawag which is yung mommy ni Henry.
"Hello?" sinagot ko naman agad ako nabasag ang boses ko.
"Hija, umiiyak ka ba? Hindi ko ma-contact si Henry eh. Bakit niyo naman ako iniwan dito mag-isa?" sabi ni Tita sa kabilang linya.
"S-Sumama lang po pakiramdam ko, kaya agad na po akong umalis. Tsaka Tita, dito po muna ako sa bahay namin ahh." sabi ko.
"Sige, kung iyan ang gusto mo. Anyway, magkakaroon pala tayo ng dinner bukas with your family. Para ito sa kasal niyo next month. Tayo-tayo lang naman sa bahay namin okay? I already texted your mom and your dad. See you tomorrow hija. Pagaling ka." sabi ni tita at inend call na niya.
Bumuntong hininga naman ako. Makikita ko nanaman si Henry at masasaktan nanaman ako kapag nakikita ko siyang malungkot dahil lang sa ayaw niya akong pakasalan. I don't care! Ang importante ay yung magkakasal na kami ni Henry sa susunod na buwan! At alam kong matututunan niya din akong mahalin!
Leonora's POV
Pagkauwi ko sa bahay dahil sa gabi na at sarado na rin ang carenderia namin ay agad naman akong pumunta sa maliit kong kwarto at humiga nalang. Hindi matanggal sa isip ko yung nakita ko sa dyaryo, ang sakit pala talaga. Sobrang sakit. Pero ito yung desisyon ko eh, ako din ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan. Desisyon ko ito at kailangan ko nalang panindigan ito.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang pumasok sa kwarto ko. Si inay lang pala.
"Nay, bakit po?" sabi ko at agad na tumayo mula sa pagkakahiga ko.
"Nak, gusto ko lang sanang tanungin kung okay ka lang ba." aniya.
"Po?" pag-aalinlangang sinabi ko.
"K-Kasi, nagbabasa ako ng dyaryo kanina lang. Tapos nakita ko na ikakasal na si Henry doon sa fianceé niya." sabi ni Inay.
"Nay, okay lang ako. Ano ka ba! Tsaka desisyon ko ito at kailangan kong panindigan yung naging desisyon ko. Kaya kung ako sa inyo Inay, huwag niyo na po akong alalahanin. Kumain nalang po kayo at magpahinga na po kayo." sabi ko at pinilit kong ngumiti.
"S-Sige." sabi ni Inay pero kitang-kita pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya.
Pagkalabas na pagkalabas ni Inay sa kwarto ko ay bigla nanaman akong naluha. Marahas kong pinunasan yung mga luha ko. Tama na! Diba nga kakasabi mo lang na desisyon mo ito at kailangan mong panindigan?! Bakit ako umiiyak ngayon?! Bumalik nalang ako sa pagkakahiga ko sa kama at agad kong pinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...