Chapter 22

3.4K 96 7
                                    

Chapter 22

Henry's POV

"Take care, pahinga ka ng mabuti." sabi ko kay Leonora at hinalikan ko siya sa noo niya.

Ngumiti nalang siya at pumasok na siya sa bahay niya. Mukha nga'ng sobrang tamlay niya at namumugto rin ang mga mata niya. Wag kang mag-alala Leonora, pinapangako ko malalampasan din natin ito.

Agad ko ng pinaandar ng kotse ko ng makita kong nakapasok na si Leonora sa bahay nila. At nang nai-park ko na ang kotse ko ay agad na akong bumaba para pumasok na sana sa bahay pero nagulat ako ng bigla akong hinatak ni Joanna papunta doon kung saan naka-park ang kotse niya.

Nagmakaawa siyang bumalik nalang ako sa kanya, pero iniwanan ko nalang siya ng umiiyak doon. Siguro nga napaasa ko siya ng sobra, ayoko namang nanakit pero sana maintindihan din niya naman ako. Sorry, Joanna. Mahal ko lang talaga si Leonora.

"Oh, you're here na." sabi ni mommy nang makapasok na ako sa bahay.

"Yes po, tulog na po ako. Goodnight mommy." sabi ko kay mommy at kiniss siya sa cheeks niya.

Alam kong sinabi na ni Joanna ang lahat kay mommy dahil kakagaling na niya dito, at para hindi namin mapag-usapan iyon ni mommy ay dapat agad na akong matulog dahil masyado na ring maraming nangyari ngayong araw na ito.

"Wait kang Henry, may kailangan tayong pag-usapan." sabi ni mommy.

Sabi ko na nga ba, at kakausapin talaga ako ni mommy.

"Bukas nalang po iyan." sabi ko.

"No, kailangan na nating mag-usap ngayon." sabi ni mommy.

Pinaupo niya ako sa sofa sa living room at umupo siya sa tabi ko.

"Nakasalubong mo ba si Joanna nung dumating ka?" tanong niya.

"Hindi po." pagsisinungaling ko dahil kapag sinabi ko namang oo ay paniguradong i-interviewin nanaman ako ni mommy.

"Okay, kinuwento sa akin ni Joanna ang lahat." sabi ni mommy.

"Ano pong sabi niya?" tanong ko.

Sinabi sakin ni mommy lahat-lahat ng sinabi sa kanya ni Joanna sa kanya.

"So, anak. Si Leonora pala ang babae mo." sabi ni mommy.

"Yes, po mommy. Sana naman maintindihan niyo ako. Kasi mommy, mahal na mahal ko na po siya at sigurado na po akong she's the one." sabi ko kay mommy.

"Mayaman naman ba ang pamilya niya?" biglaang tanong ni mommy.

Alam ko na ang buong storya ni Leonora at alam kong hindi naman sila mayaman pero alam ko rin naman na itinuring na siyang anak ni Sarah De Guzman yung may-ari ng "De Guzman's Salon" na isa sa pinaka-sikat na salon sa buong Pilipinas.

"Yes po, actually siya nga po ang tagapagmana ng De Guzman's Salon." iyon nalang ang sinabi ko kay mommy.

Dahil kapag sinabi ko ang tunay na katauhan ni Leonora ay for sure hinding-hindi niya kami matatanggap, mabuti nalang at inampon siya ni Sarah De Guzman, at gumanda ang buhay niya. May pag-asa na kami ni Leonora.

"So, mahal mo ba talaga yung Leonora'ng iyon? Alam ko ay Sherryl ang real name niya? Screen name lang niya siguro iyon at Leonora De Guzman ang real name niya tama ba?" tanonong ni mommy.

"Yes, po." sabi ko.

Ang totoo ay para sa revenge niya sa best friend niya ay iniba ni Sarah ang pangalan ni Leonora at ginawa itong Sheryl De Guzman, gamit ang pangalang iyon ay doon siya sumikat. Pero ang tunay niyang pangalan ay Leonora Salazar.

"Well, sige payag na ako sa relasyon niyong dalawa. Kakausapin ko nalang ng maigi si Joanna." sabi ni mommy at agad ng umakyat sa kwarto niya.

Napangiti ako sa sinabi ni mommy. Sa wakas may pag-asa na talaga kami ni Leonora.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon