Chapter 13

4.8K 109 8
                                    

WARNING: Medyo SPG
-----------------------------------------------------------------
Chapter 13

Nang tumunog na ang alarm clock ko ng 4am ay dali-dali na akong tumayo sa kama ko, 5am daw kasi ang alis kaya 4am na ako gumising para makapagready na. Actually, kagabi ko pa ni-ready yung mga gamit ko eh. Ayoko na ring gisingin si mommy kaya kagabi palang ay nagpaalam na rin ako sa kanya, pati nga kay Ailenne sinabi ko din aalis ako ngayong araw. Gusto nga niyang sumama kaso kinuwento ko nga na ako lang yata ang gustong imbitahan ni Joanna at baka magalit pa iyon dahil sa sinama ko si Ailenne.

Nang tapos na akong maligo ay kinuha ko na ang malaki kong back pack. Bukas ng ganitong oras din naman kami uuwi eh, kaya bakit pa ako magdadala ng napakadaming gamit? At yes, may dala akong swimsuit para pang-swimming ko dahil na rin sa bawal daw ang magswimming ng hindi naka-proper suit ng pang-swimming eh

*RING! RING!*

"Hello?" agad kong sinagot yung cellphone ko.

"Leonora, okay ka na ba? Sunduin ka namin sa bahay mo ha." sabi ni Joanna.

Ang aga siguro gumising nitong dalawang toh. Mukhang sobrang excited. Pero medyo nakakaramdam ako ng kaba, kasi alam kong si Henry yung kasama namin ni Joanna at makikita ko nanaman siya.

"S-Sige." sabi ko.

After 30minutes ay nakarating na sila sa bahay. Sa may labas na ako naghintay, sa may garden para hindi na sila lumabas ng kotse pa. Kinuha ko na ang back pack ko at lumabas na sa gate, at pumasok sa kotse ni Henry. Nasa front seat si Joanna at syempre nasa Driver's seat si Henry. Hindi ko alam pero para akong nagpapanic na hindi maintindihan. Tapos yung damit pa ni Joanna naka-dress siya, ang ganda niya pero paramg pupunta siya sa isang napakahalagang okasyon. Samantalang ako ay nakasimpleng T-Shirt lang na kulay Gray at simpleng shorts na maong at naka-sneakers lang.

Nakatulog ako sa kotse hanggang sa may tumapik na sa likod ko. Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang si Henry pala iyon. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko siya, kaya naman agad akong umayos sa pagkakaupo ko.

"A-Asan na tayo?" agad kong tanong.

"Nasa beach na." simpleng sagot niya at ngumiti.

Di ko alam kung bakit siya ngumingiti, kanina pa ba niya ako pinagmamasdang matulog at tumulo yung laway ko habang natutulog? Kinagat ko ang labi ko at hinayaan nalang siyang ngumiti.

"S-Si Joanna? Nasaan?" tanong ko.

"Andun na sa cottage naghahanda ng mga pagkain." aniya.

"Ahh, sige punta na rin ako dun." sabi ko.

Lumabas na ako ng kotse at dinala ang back pack ko. Tumakbo ako pero bigla niya akong tinawag.

"Leonora!" sigaw ni Henry at agad ako napalingon sa kanya.

"A-Ano yun?" sabi ko.

Nag-half run siya papunta sakin at medyo kinabahan ako doon.

"Saan ka pupunta?" tanong niya agad.

Oo nga noh? Saan ba ako pupunta. Sa cottage diba? Pero teka asan nga pala yung cottage? Ano ba yan! Bakit ba ako natataranta ng ganito?! Shit.

"S-Sa cottage? Saan ba yung daan papuntang cottage?" sabi ko.

Ngumiti siya at hinawakan yung wrist ko, hinatak niya ako. Namula ang pisngi ko sa ginawa niya at para kaming couple dahil hawak-hawak niya yung wrist ko habang naglalakad kami. Feeling ko ayoko ng matapos yung araw na ito. Pero lahat ng iniisip ko ay nawala ng matanaw ko na yung cottage kung nasaang si Joanna. Ako na ang kusang humawi sa kamay niya dahil baka kung ano isipin ni Joanna kaya tumakbo na ulit ako papunta sa cottage kung nasaan si Joanna.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon