Chapter 29

2.8K 59 2
                                    

A/N: Sorry po, nasobrahan sa tagal ng update. Huehuehue, finals na po kasi namin. Anyway, super thank you po sa paghihintay ng update ko :)
---------------------------------------------------------------------------------
Chapter 29

Hindi ako makatulog dahil sa kaka-alala ko sa nangyari kahapon. Minsan pa nga kapag naaalala ko napapaluha ako, nakahiga lang ako sa kama at parang wala rin akong gumanang kumain or tumayo man lang mula sa pagkakahiga ko.

Nagulat ako ng may pumasok sa kwarto ko, lumingon ako. Si mommy lang pala.

"Ohh, bakit hindi ka pa kumakain? Hindi ka ba papasok?" tanong ni mommy.

Ayoko sanang pumasok, kaso nahihiya na naman ako kay mommy. Kasi ang dami na niyang nagawa para sakin tapos hindi ako papasok sa Salon? Ayoko namang isipin niya na parang inaabuso ko ang kabaitan niya sakin, kaya tumayo nalang kahit na parang ang bigat-bigat ng katawan ko.

"Uhm, sorry po mommy. Papasok po ako." sabi ko at ngumiti.

"Ahh, sige. Chineck lang naman kita kung okay ka lang. Kasi ang aga mo kaya gumigising and now tinanghali ka ng gising haha. Sige, una na ko. I have a lot of things to do pa sa company. Okay, see you later, dito sa bahay hahahaha." sabi ni mommy at tuluyan ng umalis.

Wala akong gana kumain kaya agad nalang akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay dumiretso sa salon.

"Good Morning, ma'am." sabi ng mga staffs ko.

Nginitian ko nalang sila. Pumunta na ko sa office ko at umupo.

"Ma'am, may bisita po kayo." sabi nung pumasok na isang staff ko sa Salon.

"Okay, papasukin mo." sabi ko.

Binuksan nung staff ko yung pinto at lumabas na siya. Maya-maya ay may pumasok na, at iyon ay si Joanna.

"What are you doing here?" matigas kong sinabi.

"Ohh, bakit parang namamaga ang mga mata mo?" sabi ni Joanna at parang nang-aasar yung ngiti niya.

"So?" sabi ko.

"Hahahahaha, akala ko ba tanggap ka na ng mommy ni Henry? Eh, bakit nagbago ang lahat?" aniya.

Naalala ko nanaman yung sinabi sakin ng mommy ni Henry. Oo nga pala, si Joanna yung nagpa-backround check sakin. Siya yung dahilan ng lahat ng ito!

Tumayo ako at lumapit kay Joanna, maya-maya ay sinampal ko siya ng napakalakas. Napahawak siya sa pisngi niya.

"OHMYGOD! How dare you to do that to me?!" she shouted.

"Para yan sa paninira mo samin ni Henry! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kaya umalis ka na dito!!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Umamba si Joanna na sasampalin niya din ako, pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Hinawi naman niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Mali ka kasi ng kinalaban, Leonora! Alam mo naman na lahat ng gusto ko makukuha ko! Kagaya ni Henry! Akin lang siya, akin lang! At hinding-hindi siya mapupunta sayo kahit kailan!" sigaw ni Joanna at umalis na.

Grabe yung pagka-obsessed niya kay Henry. Haist. Hindi ko nalang inisip masyado si Joanna at nagpaka-busy nalang ako sa trabaho.

Sobrang dami ng customers na namake-upan ako at nung maghahapon na ay nakita ko ang kotse ni Henry sa labas. Oo nga pala, nakalimutan kong nagtext siya sakin na pupuntahan niya ako dito. Para akong natataranta, hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Pero pinilit kong kumalma. Maya-maya ay pumasok na si Henry sa salon.

"Leonora." tawag niya sakin at lumapit sa sakin. Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

Para nanamang may bukol na namuo sa lalamunan ko at hindi ako makapag-salita, pero pinilit ko. Pinilit ko ang sarili kong magsalita para hindi niya mahalata na may problema ako.

"Sorry, hindi ako nagpaalam sayo kahapon. Ang sama lang ng pakiramdam ko eh." sabi ko at pinilit kong ngitian siya.

"Okay lang, sayang nga at hindi tayo masyado nakapag-kuwentuhan ni mommy." sabi ni Henry.

Ngumiti nalang ulit ako.

"So, dinner tayo mamaya. Puwede ka ba? Kahit diyan lang sa malapit na restaurant." sabi ni Henry.

Hindi ko alam ang isasagot ko, pero inaamin kong namiss ko din naman si Henry kahit papaano at gusto ko ring patunayan kay Joanna at sa mommy ni Henry na karapat-dapat talaga ako kay Henry! Ayoko ng magkaroon pa ng balakid sa amin. Gagawin ko ang best ko para maging masaya kami ni Henry.

"Sige." sabi ko kay Henry.

Niyakap naman niya ulit ako ng mahigpit.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon