Chapter 17
Nang lumabas ako sa bahay para pumunta na sa salon ay naalala ko yung kahapon na sinabi sa akin ni Ivan. Naiilang tuloy ako kaya mabilis ako kumilos para makaalis na dahil baka maabutan ko pa siya sa labas.
*RING! RING! RING!*
Sinagot ko agad ang cellphone kong nagri-ring at nakita kong si Henry
"Hello, b-bakit?" sabi ko.
"Wala namiss lang kita." aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Ano ba, sa ngiti kong abot tainga at sa pagkawala sandaki ng katinuan ko dahil sa kilig, baka naman mabunggo ako nito.
"Ui, bakit di ka na nagsasalita? Hindi mo ba ako namimiss?" tanong niya.
"Namiss din naman kita." sabi ko.
"Sige na, pasok na ako sa trabaho. I love you." sabi ni Henry.
"I-I love you too." sagot ko.
Agad din naman niyang pinutol ang linya pagkasabi ko nun.
Nang makarating na ako sa salon ay nagtext naman si Henry sa akin.
Henry:
"Mamayang hapon, sunduin kita sa salon mo. Yayayain kita mag-dinner."
Yan ang text sa akin ni Henry. Hindi na ako sumagot, dahil susunduin naman niya na ako dito.
~~~~~
Matapos ang napakatagal kong paghihintay sa kanya ay dumating na siya ng hapon. Lumabas ako sa salon at pumunta sa kotse ni Henry, nakatapat ako sa passenger seat pero ang binuksan niyang pinto ay yung sa front seat.
Wala na naman akong nagawa kaya doon nalang ako umupo sa front seat. Tahimik lang kaming buong biyahe at nang makarating na kami sa restaurant ay agad kaming tumungo doon sa may bandang dulo. Nakapagpa-reserve na pala siya para sa amin.
"Umorder ka na." aniya at ngumiti sa akin.
Tumango ako at kinuha ang menu. Tinuro ko yung gusto kong pagkain sa waiter na naghihintay sa gilid namin. At ganoon din ang ginawa ni Henry ng makapili na siya ng kanyang makakain, ito na yata ang first date namin ni Henry.
Minsan pa nga iniisip ko kung paano bang nangyari na agad siyang nainlove sa akin? Parang ang bilis ng mga pangyayari.
"So, kamusta naman?" panimula ni Henry.
"Okay lang naman ako, ikaw?" sabi ko.
"Same." aniya.
Ngumiti nalang ulit ako.
"Leonora." tawag sa akin ni Henry.
"Hmmm?" sabi ko.
"Sabihin na kaya natin kela Joanna at kay mommy ang tungkol sa ating dalawa? Para official na tayong mag-girlfriend and boyfriend." sabi ni Henry at hinawakan pa ang kamay ko.
Medyo natahimik ako sa sinabi niya, kaibigan ko kasi si Joanna tapos lagi niya pang kinukuwento sakin si Henry kung gaano niya ito kamahal. Tapos isa pala akong traydor na kaibigan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, mahal ko si Henry. Pero mahal ko din naman si Joanna as friend.
"W-Wag kaya muna? Kasi nagui-guilty nga ako sa ginagawa natin tapos may nangyari pa sa atin nung nag-outing tayo. Alam mo na, mahihirapan pa si Joanna na tanggapin ito. At siguradong magagalit sakin yun." sabi ko.
"Edi, let's run away. Punta tayo sa napakalayong lugar na walang nakakakilala sa atin. Tapos kung saan makakapamuhay tayo ng tahimik." utas ni Henry.
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya, seryoso ba siya?
"P-Pero, hindi ko kayang iwanan si mommy. Alam mo namang siya lang yung tumulong sakin diba? Malaki ang utang na loob ko kay mommy at hindi ko din naman kayang iwanan yung family kong nasa province." sabi ko.
Bumaba ang tingin ni Henry at parang lumungkot ng sobra ang mga mata niya.
"Henry, sana maintindihan mo ako. Malalagpasan din natin toh. Okay?" sabi ko kay Henry.
Nginitian ako ni Henry at dumating na rin yung waiter para i-serve yung pagkaing inorder namin. Kaya naman nagsimula na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Ficción GeneralMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...