Chapter 15

4.1K 107 3
                                    

Chapter 15

Matapos naming kumain ay nagsiliguan na kami at uuwi na kami sa Manila. Nag-ayos na kami at sinakay na ang mga dala namin sa kotse ni Henry at ganun pa rin naman ang puwesto namin nasa front seat pa rin si Joanna at sa back seat naman ako. Lagi akong tinitignan-tignan ni Henry sa salamin kaya umiiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Leonora, nag-enjoy ka ba?" tanong ni Joanna na siyang bumasag na katahimikan namin.

"Syempre naman." sabi ko at nginitian ko siya.

"Ikaw Henry?" tanong ni Joanna at bumaling siya kay Henry na busy sa pagda-drive.

"Oo, sobrang nag-enjoy ako." sabi ni Henry.

Ayokong mag-assume pero parang alam ko yung ibig niyang sabihin kaya medyo uminit ang pisngi ko.

"N-Nag-enjoy ka talaga? Siguro kasi kasama mo ko. Next time ulit... Yung tayong dalawa lang." bulong ni Joanna sa tainga ni Henry pero narinig ko pa rin ito.

Hindi na sumagot si Henry. At tinitignan-tignan niya pa rin ako sa salamin nakasandal ang kaliwang siko niya sa may pintuan ng kotse at pinaglalaruan ang kanyang labi habang tinitingnan ako. Maya-maya ay nakatulog na si Joanna at ganun pa rin ang ginagawa ni Henry.

Baka mahuli siya ni Joanna na nakatingin sakin kaya naisipan ko siyang itext. Nilagay pala niya kaninang umaga yung number niya sa cellphone ko.

Ako:

"Stop staring at me."

Tinignan niya agad ang cellphone niya at mabilis siya nagreply. Hindi ko narinig na tumunog ang cellphone niya siguro ay naka-silent ito o naka-vibrate lang din ng katulad sakin.

Tuluyan na ngang nag-vibrate ang cellphone ko at tama rin ang hinala kong si Henry talaga iyon.

Henry:

"Hindi ko maiwasan ang pagtingin sa mala-anghel mong mukha."

Uminit ang pisngi ko sa kanyang reply kaya yumuko nalang ako at hindi nalang ako nagreply sa kanya.

Henry's POV

Nung gabing sinabi ko kay Leonora'ng mahal ko siya. Totoo talaga iyon, di ko alam kasi noong una sa hospital parang hindi na agad siya matanggal sa isip ko pero nakilala ko siya dahil sa social media. Hindi ko aakalain na sikat pala siya bilang isang make-up artist. Hindi ko na siya hinanap pa kasi baka hindi niya naman ako gusto at hindi niya na din ako naaalala.

Pero yung dumating yung araw na nakita ko siya nagulat ako na naalala pa niya ako. At kagabi lang nagkuwento ako ng buhay ko sa kanya dahil pinagkakatiwalaan ko siya, at nagkuwento din siya ng buhay niya. Doon ko siya lalong nakilala kaya lalong nahulog ang loob ko sa kanya. At alam ko rin sa sarili kong mahal ko na pala siya. Wala na akong pakielam kung may makaalam na nagmamahalan kami kahit si mommy o si Joanna. Handa akong ipaglaban siya.

Pero sa tingin ko ay hindi pa siya ready dahil nung kumatok si Joanna sa room namin ay nataranta siya. Alam kong naguiguilty siya pero alam ko ding mahal niya ako. Ayokong paasahin si Joanna pero gusto ko munang mag-usap kami ni Leonora ng masinsinan para lang ipaalam na gusto ko ng sabihin kela mommy at Joanna na si Leonora talaga ang babaeng mahal ko at wag na ako ipilit kay Joanna. Pero ayaw ko rin namang madaliin si Leonora.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon