Chapter 14

4.1K 102 6
                                    

A/N: Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng istorya kong ito. Pasensya na po kung matagal akong mag-update, medyo busy-busyhan lang po xD.
-----------------------------------------------------------------
Chapter 14

Kinabukasan ay nagising nalang ako ng katabi ko na sa kama si Henry, akala ko panaginip lang ito kaya kinurot ko ang pisngi ko.

"Ouch~!" medyo napalakas ang pagkurot ko sa aking pisngi at narealize kong totoo talaga ito.

Medyo nagising ko yata si Henry kaya gumalaw siya sa kama. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Parang gumalaw nanaman ang butterflies sa stomach ko.

"Good Morning." sabi ni Henry.

"G-Good Morning." sabi ko din sa kanya.

Nang makapagbihis na kami ay biglang may kumatok sa pintuan ng room ko.

"Leonora! Gising ka na ba?" sabi ni Joanna.

Medyo nataranta na ko.

"Ahh, anong sasabihin ko?" tanong ko kay Henry.

Pero parang kalmado lang siya at nagkibit balikat lang. Inakbayan pa niya ako. Medyo namumula na ang pisngi ko pero hindi ito ang oras para kiligin pa ako! A-Anong isasagot ko kay Joanna? Hindi nalang ako magsasalita para alam niyang tulog pa ako.

"Leonora? Nevermind tulog ka pa yata. Pati si Henry tulog pa din yata hindi siya sumasagot sa room niya eh. Tss."

Nakahinga ako ng malalim sa wakas at umalis na si Joanna at nawala na ang pagkataranta ko.

"Baby, una na ko. Natataranta ka na eh." sabi ni Henry at kiniss ako sa forehead ko.

"S-Sige." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ayokong ngumingiti ka ng ganyan eh. Hindi kita maiwan." sabi ni Henry.

"Sige na mauna ka na sa labas, pumunta ka na sa room mo baka dumating pa si Joanna. Medyo nagui-guilty tuloy ako kasi kaibigan ko siya eh." sabi ko kay Henry.

"Kasalanan ba nating mahalin natin ang isa't isa? Wag kang maguilty ako naman gumawa ng first move eh." sabi ni Henry.

Tumango nalang ako. Lumapit siya sakin at tinaas ang baba ko at ngayon magkalevel na kami ng tingin. Hinalikan niya ang mga labi ko at hinalikan ko rin siya pabalik. Maya-maya ay tuluyan ko na siyang pinapunta sa room niya at baka maabutan kami ni Joanna dito.

Nag-ayos muna ako ng aking sarili at tsaka ako lumabas para pumunta sa cottage. Naabutan ko si Joanna doon na nagpeprepare ng breakfast.

"Good Morning!" bati niya sakin at ngiting ngiti pa siya.

"G-Good Morning din." sabi ko sabay ngiti.

Kinakabahan ako ngayong kaharap ko na siya feeling ko alam niya na yung nangyari tungkol samin ni Henry. Tinulungan ko nalang si Joanna para sa pagpe-prepare ng breakfast at saktong dumating na din si Henry sa cottage namin. Kaya mas lalo akong kinabahan dahil alam kong walang takot si Henry.

Medyo lumayo ako sa kay Henry at tumabi ako kay Joanna para hindi kami mahalata. Hanggang kailan ko naman kaya maitatago ang sikreto naming ito?

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon