Chapter 33
Masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain. Tawa na nga lang ako ng tawa sa mga throwback nila, pati nga si mommy tawa ng tawa. Kaya nga napapangiti ako kapag nakikita ko siyang masaya. Thanks to Ashley, kasi pinapasaya niya si mommy.
"Anyway, tita. Sigurado ako bago kayong matulog tinitignan niyo pa rin yung necklace ni Sherryl. Sobrang importante kasi sa inyo yun diba?" biglang sabi ni Ashley.
Napatahimik naman si mommy at oarang lumungkot yung mukha niya at nag-nod lang siya kay Ashley.
"Ohh, sorry tita." sabi ni Ashley ng mapansin niya na malungkot ang mukha ni mommy.
"Okay lang." sabi ni mommy.
Yung sinabi ni Ashley, if I'm not mistaken siguro ayun yung nakita ko kagabi na hawak-hawak at tinititigan ni mommy na necklace. Sobrang mahalaga nga kay mommy yun.
Nang matapos kaming kumain ay agad naman akong pumunta sa kwarto.
*RING! RING!*
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang mag-ring yung cellphone ko. Tinignan ko ito at si Henry yung tumatawag. Sinagot ko naman agad ito.
"Hello? Bakit ka tumawag?" tanong ko noong sinagot yung yung tawag ni Henry sa cellphone ko.
"Wala, masama bang ma-miss yung baby ko?" aniya.
"Baby ka diyan, ewan ko sayo." sabi ko pero kinikilig naman ako at parang umiinit yung pisngi ko.
"Gustong gusto na kita makita. Miss na miss na kasi kita, hindi mo ba ako namimiss?" tanong ni Henry.
Hindi ko alam yung isasagot tapos lalong umiinit yung pisngi ko. Nagba-blush ako.
"S-Syempre namiss din. Ano ba namang tanong yan." sabi ko.
"Sunduin kita diyan ng maaga sa inyo, sabay tayo mag-breakfast." sabi ni Henry.
"S-Sige." sabi ko.
"Okay, see you tomorrow. Matutulog na ako para maaga akong magising. Bye, I love you." sabi ni Henry.
"I-I love you too." sabi ko naman.
***
Kinaumagahan ay maaga akong nagising, agad akong nag-shower at nagbihis. Tapos ay bumaba na ako.
"Goodmorning, Leonora. Ang aga mo yatang gumising ngayon?" sabi ni mommy.
"Uhm, si Henry po kasi susunduin ako." sabi ko.
"Ahh, ganun ba?" sabi ni mommy at tumango nalang.
"So, una na po ako. Bye po!" sabi ko at niyakap siya.
Pagdating ko sa labas ng bahay at ng gate ay wala pa naman si Henry. Pero, mga ilang minuto lang ay agad na siyang dumating. Agad akong pumunta malapit sa sasakyan niya.
Bumaba siya mula sa sasakyan at agad niya akong niyakap ng sobrang higpit, niyakap ko rin naman siya ng mahigpit pabalik.
"Namiss talaga kita." sabi ni Henry.
Napangiti nalang ako. Matapos niya akong yakapin ay pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse niya sa may front seat. Tapos ay pumunta na siya sa driver's seat, tumingin ako sa salamin sa gilid ng sasakyan ni Henry at nagulat ako sa nakita ko. Si Ivan? Bakit naman mukhang inis na inis siya? Don't tell me nakita niya yung nangyari samin ni Henry kanina? Baka naman nagseselos siya? Ano ba tong iniisip ko, so what kung nagseselos siya? Ano namang pake ko diba?
Pero bakit parang nakaka-guilty lang, kasi alam kong sinasaktan ko si Ivan. Pero wala akong magagawa, mahal ko si Henry eh. Yes, mahal na mahal ko talaga si Henry.
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
General FictionMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...
