Chapter 16
Hinatid na nila ako sa tapat ng aming bahay.
"Bye, Leonora! Sa susunod ulit." sabi ng kakagising lang na si Joanna.
Tumango nalang ako at kinuha na sa likod ang mga gamit ko. Dahil sa pagod ako ay nag-door bell na agad ako sa bahay at hindi na ako nakapagpaalam pang muki kela Joanna.
"Good afternoon po ma'am." sabi ni manang.
"Good afternoon din. Andiyan na ba si mommy?" tanong ko kay manang.
"Kakapasok lang po sa trabaho." sabi naman ni manang.
Ngumiti at tumango nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ko at humiga na sa kama.
Naalala ko nanaman yung nangyari samjn ni Henry kaya hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.
"Ano ba naman yan." sabi ko sa aking sarili.
Nagui-guilty ako sa ginawa namin feeling ko ang sama-sama kong tao, naranasan ko na ang lokohin noon at ayokong ako naman ang manloko. Feeling ko, ako yung kontrabida sa kanilang dalawa eh.
Halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko, tinanggal ko na kasi yung pagka-silent nito at nilagay ko ma sa general kaya naman nagulat ako sa tunog nito. Tinignan ko ito agad at nagtext si Henry sa akin.
Henry:
"Ano gawa mo?"
Mabilis naman akong nagreply.
Ako:
"Wala naman, ikaw?"
Henry:
"Iniisip ka."
Sa simpleng sagot niya ay feeling ko uminit ang pisngi ko kaya kinagat ko ang aking lower lip. May kung ano nanamang kumikiliti sa tiyan ko.
Hindi na ako nagreply dahil sa bawat pagkakikilig ko kay Henry ay ganoon ang pagka-guilty ko kay Joanna. Kung hindi ba ako nakilala ni Henry ay itutuloy pa rin niya ang kasal niya kay Joanna? Hayy, hindi ko alam. Gusto kong makapag-isa at magmuni-muni, kaya namang naisipan kong pumunta sa park dito rin naman sa subdivision namin at malapit-lapit lang sa bahay.
Pagkadating ko sa park ay umupo ako sa may duyan. Hayy, ang sarao ng simoy ng hangin kaya naman sumandal ako.
"L-Leonora?" nagulat ako ng may tumawag sa likuran ko.
Nilingon ko toh at nakakita ako ng isang makisig na lalaki.
"I-Ivan?" sabi ko at ngumiti.
Ang tagal na rin namin hindi nagkita! Ilang taon na rin. Si Ivan nga pala yung isa sa mga nanliligaw sakin noon, pero si Nathan pa rin yung sinagot ko noon eh. Umiyak pa nga tong si Ivan sa harapan ko dati nung sinagot ko na si Nathan. Ang laki ng pinagbago niya ngayon, dumoble yung kagwapuhan niya haha. Mas gwapo siya ng 10 times kay Nathan ngayon kaysa dati haha. Pero syempre mas gwapo pa rin si Henry hahaha.
"Ui, ang tagal natin hindi nagkita." sabi ni Ivan.
"Oo nga eh, saan ka naman nakatira ngayon?" tanong ko.
"Dito sa subdivision din." sabi niya.
"Talaga? Dito na rin kasi ako nakatira. Akalain mo yun haha." sabi ko.
Grabe, nakakatawa lang kasi akala ko pumunta na siya sa ibang bansa para asikasuhin ang kumpanya ng daddy niya.
"Sige, gumagabi na una na ko. See you around." sabi ko dahil baka abutin pa ako ng gabi dito.
"Sige. Ingat ka. Uwi na din ako." sabi naman ni Ivan.
Nagulat ako ng sabay kami na naglalakad at patungo kami sa iisang direksyon. Kaya nagkatinginan kami at nagtawanan.
"Yung awkward na nagpaalam tayo sa isa't isa pero iisang direksyon lang pala yung dadaanan natin haha." sabi ko.
Nginitian niya lang ako. Minsan nga iniisip ko kung paano kaya kung siya yung sinagot ko noon? Haha, magiging masaya ba kami? Anyway, kung siya yung sinagot ko edi hindi ko makikilala si Henry. Hihihi.
Maya-maya ay nalaman kong katabi lang pala ng bahay nila ang bahay namin.
"Hala, grabe haha. Kapitbahay na rin pala kita." sabi ko.
"Baka naman soulmate tayo." sabi niya at ngumiti.
Humagalpak nalang ako sa tawa. Pero medyo awkward.
"Biro lang yun." sabi ni Ivan.
"Oo, alam ko namang biro lang yun. Comedian ka talaga." sabi ko kahit medyo awkward.
Papasok na dapat ako sa bahay ng tinawag niya ulit ako.
"Leonora.." sabi niya.
Nilingon ko naman siya.
"Lalo kang gumanda." sabi ni Ivan, ngumiti siya at kitang kita ang napakalalim niyang dimple. Ang gwapo niya. Ano ba toh, nagkakasala ako kay Henry ko lol.
Magsasalita na dapat ako pero agad na siyang pumasok sa bahay niya.
----------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry sa once a week kong pag-uupdate hihi. Pero thank you po talaga sa nagtitiyagang maghintay ng update ko. ^_^Sino po kaya ang tunay na soulmate ni Leonora?
BINABASA MO ANG
Soulmate (WR Book 2)
Fiction généraleMatapos ang isang taon ay naging maayos na ang lahat, bumalik na ang lahat sa dati. Masayang pamilya na ulit sina Ailenne at Nathan, pero minsan syempre di ko maiwasan ang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mahahanap ang soulmate ko? Minsan di ko ma...