Chapter 2

7.3K 151 4
                                    

Chapter 2

Kasalukuyan akong nasa salon at nagmemake up sa isang customer ko na halos buwan-buwan pumunta dito, kaya medyo magkakilala na kami at halos lagi kaming nagkukuwentuhan kapag pumupunta siya dito. Siya ay si Joanna, isang mabait na babae na naging isa sa close kong customer dito sa Salon ko.

Madalas siyang nagkukuwento sa love life niya, na may gusto daw ipakasal ang parents niya sa kanya na isang gwapo, matipuno, mabait at mayamang lalaki. Nagkasundo na daw ang mga parents nila noon pa. Kaso hindi nga lang daw siya gusto nung lalaking iyon.

"Bakit gusto mo ba siya?" tanong ko kay Joanna.

"Oo eh, nahuhulog na ko sa kanya. Kaso umamin na siya sakin na hindi niya daw ako gusto." aniya.

"Ano ba! Wala naman siyang magagawa pinagkasundo na kayo ng mga parents niyo." sabi ko at humalakhak.

"Depende yun sa desisyon niya eh, di bali ipapakilala kita sa kanya next time. Diba magkaibigan na naman tayo hahaha, kaya tulungan mo kong mahulog din siya sakin at hinding-hindi ako susuko sa kanya. Sakin din siya mapupunta kahit anong mangyari!" Sabi ni Joanna na positibong positibo ang expression ng kanyang mukha.

"Sige, goodluck." simple kong sagot.

Nakaka-curious tuloy kung sino iyong lalaki at ang swerte naman niya mahal na mahal siya ni Joanna. Ang swerte niya kay Joanna, mayaman na, maganda pa at mabait pa.

"Sige, balik ulit ako dito. Salamat, sa pag memake up sakin. Pag-nakita niya ako siguradong mahuhulog na siya sakin." sabi niya at tumawa.

Nginitian ko lang siya. At tuluyan na siyang umalis.

Busy din kasi yung babaeng yun eh, tagapagmana kasi ng business nila.

"Leonora!" nagulat ako sa sumigaw yun pala ay si Ailenne lang.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Papa-make up, alam na. May date kami ni Nathan." sabi niya at ang ngiti ay abot hanggang tainga.

"Halos linggo-linggo kayong nagdedate ahh. Mag-ipon naman kayo para kay Eve." mataray kong sinabi.

"Bitter ka haha. Wala ka kasing love life hahaha. Anyway, don't you worry kasalukuyan akong nagpapatayo ng panibagong salon ko, kasi sayang yung pinag-aralan ko sa France eh. At pangarap ko talaga magkaroon ng sariling salon. Kaso kalaban kita kaya sana maging sister company kita haha." sabi ni Ailenne at humalakhak nanaman.

"Umupo ka na nga dito at masimulan na kitang make-upan." sabi ko.

"Maraming salamat! Leonora." aniya at ibinigay sakin ang bayad niya at tumakbo na palabas ng salon.

Grabe naman, excited siya sobrang nagmamadali para sa date nila ni Nathan. Tsss. Baliw talaga.

Nang matapos na ang trabaho ko at medyo gumagabi na rin ay umuwi na ako. Naabutan ko si mommy na nasa dining room at naglalaptop habang umiinom ng coffee.

"I'm home, mommy." Masigla kong sinabi at hinalikan siya sa pisngi.

"Ohh, hello anak." aniya.

"Mommy, gabi na magpahinga ka na. Ako na ang gagawa diyang if you want. Or bukas mo nalang gawin yan." sabi ko.

"Ako na anak, malapit na rin naman ako matapos kumain ka na. Kakaluto lang ni manang." sabi ni mommy.

Sinunod ko si mommy at kumain na ako. Pagkatapos kong kumain ay saktong natapos na siya sa kanyang mga trabaho at nag-shower na agad siya.

Ang bait at sweet ni mommy talaga. Kaya gusto ko rin talagang magkaroon ng sariling pamilya eh. At once na nagkaanak ako ay ibibigay ko lahat ng pagmamahal at dodoblehen ko iyon.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon