Chapter 45

2.4K 52 3
                                        

Chapter 45

Gumising ako at tinignan ko yung orasan at 9am na ng umaga. Tinignan ko yung cellphone ko na binili sakin ni Henry at may mga texts na agad galing sa kanya.

Henry:

"Babe, di na kita ginising kasi mukhang masarap ang tulog mo eh. Pumasok ako sa trabaho ko, kumain ka na ha :)"

Henry:

"Pumasok si mommy kaya walang aaway sayo diyan haha."

Henry:

"Andiyan si yata si Joanna, di ko alam kung pumasok. Kung nandiyan siya wag mo nalang pansinin, okay? Love you."

Henry:

"Miss na kita."

Ang dami naman niyang texts, feeling ko wala na tong ginagawa sa trabaho niya eh. Hayy, napangiti naman ako sa mga texts ni Henry. Niloadan din niya ako haha. Ang kulit talaga.

Ako:

"Kakagising ko lang."

Bumangon na ako sa kama at inayos ko ito. Pumunta ako sa bathroom para maghilamos. Narinig ko naman yung cellphone ko na tumunog kaya tinignan ko ito.

Henry:

"Sige kain ka na."

Hindi nalang muna ako nagreply kay Henry dahil baka busy siya. Bumaba na ako at pumunta sa dining room. Tama, andito nga si Joanna. Pauunahin ko muna siyang kumain. Pabalik na ulit dapat ako ng kwarto ng bigla siyang magsalita.

"Tsss, kumain ka na. Wala akong balak makipag-away ngayon dahil alam ko namang sakin pa rin ang bagsak ni Henry. Tsss." sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim at pumunta na sa dining room. Nasa dulo siya at pumwesto naman ako sa kabilang dulo. Kumain nalang ako ng tahimik, at ganoon din naman siya. Pagkatapos nun ay balak ko dapat tulungan ang kasambahay nila Henry pero sinabi nung kasambahay na sila na daw ang bahala kaya agad akong umakyat uli sa taas. Binuksan ko ang flat screen TV at nanood nalang ako.

*RING! RING!*

Tinignan ko yung cellphone ko na nagring at si Henry iyon, siya palang naman ang nakakaalam ng number ko eh.

"Hello?" sabi ko nang sinagot ako ang tawag niya.

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Oo, kakaakyat ko nga lang eh." sabi ko.

"Hindi ka ba nabobored diyan?" tanong niya.

"Hindi naman, nanonood lang ako ng TV." sabi ko.

"Kung gusto mo manood ng movies may mga CD's ako sa kwarto kunin mo nalang, sa may ilalim ng TV ko sa kwarto siya nakalagay. May mga drawera dun." sabi ni Henry.

"Sige, kukuha ako mamaya. At baka busy ka, sige na okay lang naman na ako dito." sabi ko.

"Sige, I love you." aniya.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya and I felt tight knot in my stomach.

"I-I love you too. Sige na bye na." sabi ko at ini-end call ko na.

Matapos nung isang palabas na pinanood ko ay pumunta ako sa kwarto ni Henry at kumuha ng dalawang CD doon. Tapos agad naman akong bumalik sa guest room at nanood nalang ng dalawang movie. Hanggang sa matapos na yung nga palabas. Baba na sana ako mag-lunch ng makita ko ang mommy ni Henry na pumasok bigla sa kwarto ko or should I say dito sa guest room.

"H-Hindi po kayo pumasok?" nauutal-utal kong tanong.

"Pumasok ako, pero umuwi ako ng maaga para kausapin ka." sabi ng mommy ni Henry.

"A-Ano po iyon?" sabi ko.

Umupo ako sa gilid ng kama at nakatayo siya sa harapan ko ngayon.

"Please, alam kong mahal niyo ang isa't isa ng anak kong si Henry. Nagulat nga ako dahil sinasagot-sagot na niya ako at dahil iyon sayo! Alam kong mahal na mahal ka ni Henry. Pero please! Layuan mo na siya!" sigaw sakin ng mommy ni Henry.

"S-Sorry, hindi ko po kayang iwanan ang anak niyo." sabi ko at napayuko ako. Tumingin na lamang ako sa sahig.

"Please, Leonora! Ikaw na ang lumayo sa anak ko! Ikakasal na siya kay Joanna! Para iyom sa ikalalago ng business namin at may pinoprotektahan kaming image! Ang mga mayayaman ay para lang sa mayayaman at ang mga mahihirap na kagaya mo ay para lang sa mahihirap! Wala kang maipagmamalaki! Kaya layuan mo na ang anak kong si Henry!" sigaw ng mommy ni Henry.

May namumuo nanamang bukol sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita pero pinipilit ko para kay Henry.

"H-Hindi ko po magagawang iwanan si Henry." utal-utal kong sinabi.

"Please Leonora! Kung ikaw na mismo ang lalayo paniguradong matutuloy ang kasal nina Joanna at Henry." aniya.

Umiling ako at napakapit ako ng mahigpit sa bed sheet.

"Leonora! Listen! Magkano ba ang kailangan mo?! Ibibigay ko! Layuan mo lang si Henry!" sigaw niya.

"H-Hindi naman po pera ang habol ko sa anak ninyo! Mahal ko lang po talaga si Henry." sabi ko at tuluyan ng may mga luhang lumandas sa pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko ng biglang lumuhod ang mommy ni Henry sa harapan ko. Napaiyak na rin ako ng tuluyan at napatayo na din ako.

"Please Leonora, I'm begging. Layuan mo na si Henry para ito sa ikabubuti niya. Please Leonora nagmamakaawa na ako sayo! Layuan mo na si Henry! Please.." sabi ng mommy ni Henry habang nakaluhod.

"T-Tumayo po kayo." sabi ko habang umiiyak.

Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya at napaiyak na rin talaga ako. Anong gagawin ko? Lalayuan ko na ba talaga si Henry? Lalayo na ba ako sa kanya? O ipaglalaban ko pa rin siya? Kaso mukhang mas nakakabuti ang paglayo ko para sa ikabubuti niya. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Soulmate (WR Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon