Chapter 1
"Mimi." Isang boses ang narinig ko pagbukas ng aking mata. Si Bruce na umiiyak sa tabi ko. Mugto na ang mga mata nito na humahagulgol sa iyak.
"Anak. Bruce... O-okay ka lang ba anak ko?" Tanong ko dito habang bumabangon ako sa pagkakahiga. Hinawakan ko ang pisngi ng aking anak. Nangangamba ako na baka sinaktan din siya ng asawa ko.
"O-opo Mimi. May pasa ka nanaman Mimi ko. Ang sama sama ni Dada. Huhuhu I hate Dada for hurting you." Umiiyak na tugon ng anak ko.
"Anak, huwag mong kamuhian ang Dada mo. Nagalit lang siya sa akin dahil may kasalanan ako sa kanya."
"May ginawa po ba kayo Mimi kung bakit galit na galit si Dada sa inyo?" Tanong ng anak ko.
"Wala akong ginawa anak, hinatid lang ako ng Tito mo dito sa bahay. Kung alam ko lang na magagalit siya ng lubusan sa akin hindi na sana ako nagpahatid sa kanya." Maluha luha kong sabi sa anak ko.
"I'm sorry Mimi hindi kita naipagtanggol kanina, Dada is a big guy I can't punch him. I want to protect you. I don't want him to hurt you. I love you Mimi." Mahigpit akong niyakap ng anak ko.
"Tandaan mo anak huwag na huwag mong kamuhian ang Dada mo mahal na mahal niya tayo."
Tumayo na ako at nilinisan ang mga bubog at kalat na pinagtatapon kanina ni Carson halos ganito na lang araw araw walang gamit na hindi nababasag kapag nagagalit ito.
Pagkatapos kong maglinis ay pinaliguan ko na ang anak ko at nagluto na rin ako ng hapunan para sa mag-ama ko.
Sana umuwi siya. Sana umuwi ang asawa ko. Sana pagbalik niya hindi na siya galit sa akin.
-
Pinakain ko na si Bruce. Hindi pa kasi dumarating ang Daddy nito kung saan mang lupalop ito nagpunta. 12 na ng hating gabi pero hindi pa rin ito dumarating. Nakatulog na ang anak niya sa kanyang kwarto pero ni anino ay wala pa ito. Nagsimula na akong mag-alala hindi naman ito ganito ka-late umuwi. Alam naman niya kung paano umuwi.
Ganun na ba talaga ito kagalit sa akin? Bakit hindi niya ako hayaang magpaliwanag sa kanya? Kung mahal niya ako pakikinggan niya ako.
Pero mas pinili niyang umalis. Babalik pa ba yun? Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.
Ang tanga ko kasi. Yun na yun eh nagsisimula na siyang mahalin din ako. Parang mahal na nga niya ako. Natuto na siyang mahalin ang isang tulad ko. Kinalimutan na niya ang girlfriend niya. Asawa na niya ako. Malambing na siya sa akin, binibigay na niya ang lahat ng atensyon sa akin at maging sa anak ko. Masaya na kami.
Pero bakit? Bakit nanlamig ito bigla sa akin? Dahil lang sa lintek na selos? Wala ba siyang tiwala sa akin?
Kilala ko ba ng lubos ang asawa ko?
Tatlong buwan na niya akong sinasaktan physically at nagsimula yun nang dumating muli si Francis, ang pinagseselosan ng asawa ko. Pinipilit niyang may relasyon kaming dalawa. Hindi ko magagawa iyon dahil mahal na mahal ko ang asawa ko.
Maliban sa anak ko, wala na akong pinagsabihan na inaabuso na ako ni Carson. Wala na rin akong pagsusumbungan dahil namatay na pareho ang aking magulang sa isang aksidente noong dalaga pa ako. Nilayuan din ako ng mga kamag-anak ko. Tanging sina Carson at Bruce na lang ang meron ako. Ipaglalaban ko ang pamilya ko. Ayokong masira kami.
Kasalukuyan akong naglilinis ng mga pasa ko nang marinig ko ang sasakyan.
Sa wakas dumating din ang asawa ko. Agad akong bumaba ng kwarto para salubungin ito. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko na akay-akay ito ng kaibigan niya.
Tulad ng nakagawian, lasing na naman si Carson. Agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila para alalayan ang lasing na lasing kong asawa.
"Good evening Bea. Hinatid ko na ang asawa mo masyadong lasing na, hindi na makakapagdrive ang kumag na ito mahirap na baka kung ano ang mangyari sa daan." Bati sa akin ni Kyle ang kaibigan ng asawa ko habang inaakbay ito para alalayan.
"Salamat Kyle, ako na ang bahala sa kanya." Kukunin ko na sana ang kamay niya na nakapatong sa balikat ni Kyle nang pigilan ito ni Carson.
"Don't touch me with your filthy hands. Stay away wife." Annoyed na sabi nito sa akin.
"Dude. Stop it, she's your wife." Sabi namin ni Kyle.
"Shut up Kyle. Just go home, I can manage myself, huwag ninyo na akong alalayan." Tuluyan na itong pumasok sa loob na animo ay hindi lasing.
"Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Biglang tanong sa akin ni Kyle nang makapasok na si Carson sa bahay.
"Ah... H-hindi lang k-kami nagkaunawaan Kyle. Nagkasagutan lang kami kanina." Ani ko kay Kyle.
"Anong nasa mukha mo? Pasa ba iyan? Sinasaktan ka ba ni Carson, Bea?" Inis na tanong ni Kyle sa akin.
"Ky-Kyle... H-hindi nagkakamali ka wala to n-natumba lang ako kanina kaya nagkapasa ako sa mukha." Sabi ko.
Tiningnan ako ni Kyle at base sa expression ng mukha nito ay hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.
"Alam ko namang kahit alam ko na ang sagot magsisinungaling ka pa rin sa akin Bea. You're not a good liar, ayaw ko rin manghimasok sa nangayayari sa inyo ng asawa mo. Pero sana Bea kung alam mong inaabuso ka na niya. Leave him, hiwalayan mo na siya. At kahit kaibigan ko si Carson hindi ako mag-aatubiling ipakulong siya." Sabi nito.
Wala akong naisagot kay Kyle.
"Bea! Fuvk come here right away ano pa ba ang ginagawa mo diyan sa labas? Tangina huwag mong sabihing pati si Kyle ay inaakit mo. Paalisin mo na si Kyle tangina!" Sigaw naman ni Carson sa loob ng bahay.
"I need to go. Kukunin ko muna ang sasakyan niya na naiwan sa bar. Basta Bea make a decision. Aalis na ako." Paalam nito sa akin.
Nang makaalis na si Kyle ay pumasok na ako ng bahay. Naabutan ko si Carson na nasa kwarto na at nakahiga na sa kama namin. Lumapit ako dito at naamoy ko ang alak sa kanya hindi pa rin ito nagpapalit ng damit.
Inasikaso ko muna siya pinunasan ko ang mukha niya. Akala ko ay susuwayin niya ako pero hinayaan niya lang ako. Naipagpalit ko na rin siya ng damit.
Sumampa na ako ng kama at tinabihan ko na ang asawa ko. Hindi ko mapigilang hawakan ang mukha niya. Ang napakagwapong mukha ng asawa ko.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Kyle kanina.
Tumulo na naman ang mga luha sa mata ko. Hindi ko kayang iwan siya hindi ko kayang iwan ang asawa ko.
"Mahal na mahal kita Carson. Mahalin mo ako ulit para sa anak natin para sa pamilya natin."
Bigla itong nagmulat ng mata at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko na nakalagay sa pisngi niya.
"Don't touch me slut. I loathe you." Maanghang na sabi nito sa akin. Sabay hawi ng kamay ko.
"I hate you Bea. I wanna kill you. Don't expect me to love you again hindi na mangyayari iyon. Inubos mo na ang tiwala ko sayo. Cut the drama and stop crying." Pinal na sabi nito.
"Carson.. bakit?" Ani ko.
Tiningnan niya ako ng masama.
"Don't talk back!"
Ayan na naman siya.
"Turn around." He commanded.
Agad agad naman akong tumalikod.
Natatakot na ako sa kanya, natatakot na ako kay Carson. Bakit siya nagkakaganito? Gusto ko siyang sumbatan. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya.
Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa gilid ng aking tenga. Mahigpit niya rin akong niyakap halos hindi na ako makahinga sa pagkakayakap niya sa akin.
"I hate you Beatrice Jimenez." Bulong nito sa akin.
"I swear Bea, I wanna kill you. Babawiin ko ang pagmamahal na ibinigay ko sayo. Pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo. Humanda ka, nagsisimula pa lang wasakin ni Carson Andrew Portland ang puso mo, teddy bear."
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...