Chapter 33
"Francis..." Wika ko dito nang mapatingin ako sa gawi niya.
"Hi Bea." Bati nito sa akin.
"Hey!" Umpisa ko.
"Good evening, dinalhan ko kayo ng mga prutas." Tiningnan ko ang dala nito may dala siyang isang basket na prutas at isang bouquet ng bulaklak.
Si Bruce na ang kumuha ng mga dinala ni Francis at inilagay nito sa mesa.
"O, napadalaw ka yata, mister?" Biro ko sa kausap.
"What is he doing here?" Maya-maya pa tanong naman ni Mikey. Nakakunot ang noo at base sa expression nito ay pinapakita na ayaw niya sa bisitang dumating.
Nagulat naman ako sa sinabi ng anak ko kaya agad ko itong sinuway.
"Micheal!"
"He's so ugly! I don't like him!" Sigaw naman nito sa akin.
"Mikey! Kailan ka pa natutong bumastos sa bisita natin?" Napipikon kong sabi sa kanya. Hiyang-hiya ako kay Francis.
"Stay away from my mother, I don't like you." Matapang nitong tiningnan si Francis.
Naku, ang batang ito. Kanino ba ito nagmana at bakit sobrang barumbado?
Agad namang lumapit si Bruce sa kanyang kapatid at hinila ito papalayo sa amin.
"Tito Francis ako na po ang bahala sa kapatid ko doon muna kami sa kwarto." Paalam ni Bruce sa amin habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang kapatid. Nakatingin pa rin si Mikey ng masama kay Francis.
Nang makaalis na ang dalawa ay tsaka ako nahimasmasan.
"Pasensya ka na talaga sa inasal ng anak ko, Francis." Hiyang-hiya talaga ako ngayon sa inasal ng anak ko.
"Ano ka ba, okay lang sanay na rin naman ako kay Michael na ganyan, magugustuhan din ako ng anak mo huhulihin ko ang puso niya." Natatawang wika naman nito.
"Kahit na, hindi ko tinotolerate ang batang iyon, ayokong lumaking bastos si Mikey, alam mo naman iyon walang kinagisnang ama ang bata."
"Hayaan mo, ako na lang ang tatayong ama ng mga bata, sagutin mo na kasi ako." Natatawang pahayag nito.
"Itataboy kita palabas ng bahay." Banta ko kay Francis. Nagulat ito sa sinabi ko at maya-maya pa'y narinig ko itong tumawa.
"Easy, woman. Hindi ka na talaga mabiro. I'm just joking."
"Ako na muna ang tatayong ama pansamantala habang wala pa...yung tunay." Ani nito na binitin pa ang sasabihin.
Ilang segundo pa kaming natahimik sa isat-isa ng magsalita muli si Francis.
"Bea, wala ka ba talagang balak sabihin sa kanya, na buhay si Mikey?" Tanong nito sa akin sa mababang boses.
Alam ko ang tinutukoy niya kung sino.
"Hindi naman ako ang nagdesisyon non." Maya-maya pang sabi ko.
"May karapatan pa rin siyang malaman iyon, apat na taon ang nawala sa kanya."
Huminga ako ng malalim at pumikit, ayoko munang pag-usapan iyon. Pinatay ko na ang stove at inaya si Francis sa sala.
"Teka nga, bakit ka pala napadalaw?" Tanong ko dito nang makaupo kami.
"Bakit masama bang bisitahin kayo?" Ani naman nito sa akin bago sumandal sa couch.
"Seriously, Francis. What do you want?" Tanong ko dito.
"Actually napadaan lang talaga ako dito sa Singapore may event akong dinaluhan kanina, hahabol pa ako mamaya sa flight ko pabalik ng Athens, Greece." Natatawa namang pahayag nito.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
DragosteHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...