Chapter 24
[Yes, who's this?] Nagtatakang tanong nito sa akin. Kakaiba ang accent nito na ngayon ko lang napansin.
"Carson's wi--," hindi pa man ako natapos magsalita ng may marinig akong sumigaw sa kabilang linya.
[Ahhhh..... Alexander, come here right away! It really hurts..] naiiyak na tono nito. [Mom, wait I'm coming.] Binaba na nito ang tawag.
"Hello..." Tiningnan ko muli ang phone pero nag-end na ito.
Diyos ko, ano ang natuklasan ko? A-anak ba iyon ni Carson? May anak ba si Carson?
Muli kong tiningnan ang natutulog na si Carson mahimbing pa rin ito. Bumalik na ako at inilapag ang cellphone nito sa aming mesa na katabi ng kama.
Naiiyak ko siyang tiningnan, napakasakit para sa akin na malaman ang katotohanan.
"Iyon ba ang pinunta mo doon kung bakit ka nawala ng ilang araw, paano mo ako naloko, bakit mo ako niloko?" Tanong ko dito para akong timang na kausap siya kahit natutulog ito.
Hindi kita pinagdudahan noon, pero bakit nagkaganito ang lahat? Those facts na hindi mo paguwi sa akin, at hindi rin pagtawag, yung biglaang pagpunta mo sa Belgium, yun pala galing kang Minsk -- at yung tawag na natanggap ko, may ibang anak ka...
Tsaka ko nalaman ang DNA test na yun ay para kay Alexander pala.
Paano mo nagawa ang lahat ng ito sa akin, Carson?
Hindi naman ako ganon katanga para hindi mahalatang may tinatago si Carson sa akin at lumabas na nga, lumabas na ang kinakakatakutan ko. At iyon ang nagpapalungkot sa akin ngayon. I could feel he's far from me. Napakasakit sa akin.
"Bea..."
Tawag niya sa akin ng makagising na ito sa kanyang pagkakatulog. Pinahiran ko ng mabilis ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.
Kumunot ang noo nito at biglang umupo sa kakahiga at diretso itong nakatitig sa mga mata ko.
"Why are you crying?"
Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tinakpan ko na ng dalawang palad ko ang aking mukha.
Muli akong tinawag ng asawa ko. Hindi ko siya pinansin at nananatili akong umiiyak. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko, inalis nito ang pagkakatakip ng mga kamay ko.
"Sh*t, why are you crying?!" Nagsisimula na itong mainis sa akin.
Hinawi ko ang pagkakahawak ng kamay niya pero maagap niya pa rin itong nahuli.
"H-Huwag m-mo ang h-hawakan!..." Napataas ang boses ko sa kanya habang pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.
Nagulat ito bigla sa pagtaas ng boses ko at nabitawan ang kamay ko.
"D*mn it, galit ka sa akin?" Tiim bagang sabi nito sa akin. "Diba nag-sorry na ako sayo? --- okay, tatlong araw akong nasa Belgium at tumuloy ako ng Belarus, and it's emergency...
....May kinailangan lang akong tapusin, I'm sorry if I haven't told you. Uuwi rin naman kase talaga ako after Christmas... What else do you want to know?"
Sinungaling!
Bumuntong hininga ako at hindi ako nagsalita. At alam kong ramdam niya iyon.
"Tsk... Bea! Huwag mong painitin ang ulo ko. Kausapin mo ako! D*mn it!" Kinuyom nito ang kanyang mga kamao.
Pumikit ako ng madiin. Alam kong nagsisimula na siyang mapikon sa akin at wala akong pakialam. Tumataas na rin ang boses niya. I don't care.
Malaki ang kasalanan mo sa akin Carson!
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...