Chapter 25 | EYE

375 18 1
                                    

Chapter 25

Naakalis na ako ng hospital buong biyahe akong tulala. Naapektuhan pa rin ako sa mga sinabi ni Francis sa akin. Tama naman siya, bakit ko nga ba pinagtatanggol ang asawa ko gayong may kasalanan ito sa akin?

Sa kagustuhan kong makuha ang loob ni Carson sa akin, may iba pa pala akong nasaktan. Alam kong makakaya ni Francis na kalimutan na ang nangyari sa amin dati. And I think he's already set for a new life. Alam kong unti-unting darating siya doon, but sooner or later he will be.

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext, ---- si Carson.

Huminga ako ng malalim at binasa ang nakasulat doon.

Where are you?

Alam niya ba na umalis ako ng bahay?

Iyon ang laman ng text. Hindi ko nagreply galit ako sa kanya. Bahala siya maghanap sa akin.

Kung nalaman man niya na nakipagkita ako kay Francis siguro sasaktan nanaman niya ako. Natatakot man ako na baka hindi niya ikatuwa iyon at pag-alis ko ng bahay. Bugbog nanaman panigurado ang aabutin ko sa kanya.

Kaya nagdesisyon akong ilihim ko muna ito, nililihiman din naman niya ako.

Naramdaman ko na lamang na nagring ang phone ko. Tumatawag siya. Ayoko kong sagutin naiinis pa rin ako sa kanya. Makailang beses pa itong nagring.

Maya-maya pa nakakuha ako ng mensahe mula sa kanya.

Sh*t! Answer the phone. Where are you Bea?!

Alam niya na nga na wala ako sa bahay. Muli akong nagpakawala ng hininga.

"Ma'am nandito na po tayo." Saad ng taxi driver na sinakyan ko.

Binayaran ko na ang taxi driver at bumaba na ako.

Nandito ako ngayon sa Law office ni Nicole gusto ko siyang makausap. Kilala rin naman ako ng mga tao dito kaya agad nila akong pinapasok.

"Bea..." Mabilis akong nakita ni Nicole at umalis sa kanyang kinauupuan at nilapitan ako.

"Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?! Paano ka nagawang lokohin ng pvta*gina mong asawa?!" Galit na bulalas nito.

She composed herself. Mukhang nabigla yata sa nalaman niya. Tinawagan ko kasi siya pagkatapos kong makipagkita kay Francis.

Iniabot ko sa kanya ang folder na dala ko "Gusto kong buksan muli ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang ko."

Natameme si Nicole at napatingin lamang sa akin at naguguluhan... "W-wait.... Case closed na iyon diba? Bakit gusto mong ipabukas muli?" Nagtatakang tanong nito.

"Dahil hindi aksidente ang pagkamatay nila, sinadya ang pagkamatay ng mga magulang ko." Matigas kong sabi kay Nicole. "Nicole, I need your help bigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko, at alam ko may kinalaman ang marriage namin ni Carson dito."

"Bea, S-Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" Nangangambang tanong nito sa akin.

"Matibay na ebidensya ang nasa folder na iyan."

"Wait, wait, pag-usapan muna natin ito." Hinila ako ni Nicole at dinala malapit sa isang restaurant.

****

"Alexander Minyonok, birth date September 13, 2012; age 10 years old." Binabasa ni Nicole ang mga nakalap ni Francis na information tungkol sa anak ni Carson sa ibang babae. "Mas matanda siya ng tatlong taon kay Bruce. Infairness kahawig din siya ni Bruce at Carson may pagka-foreign look nga lang." Komento nito habang tinitingnan ang picture ng sampung taong gulang na bata. Napabulalas pa bago magsalitang muli. "I can't believe it! Paano ka nagawang paglihiman ng asawa mo?" Tanong nito na para bang hindi makapaniwala.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon