Chapter 40 | ENCOUNTER

477 25 5
                                    

Chapter 40

Hindi pa rin umaalis si Carson sa bahay. Nagdadabog na rin si Mikey dahil ayaw nito na may bisita kahit sariling ama pa nito. Pinapakita talaga ng bata kung gaano ito ayaw sa sariling ama.

Napapabuntung hininga na lamang ako sa mga kilos nito parang welcome na ito sa bahay. Maging si Bruce ay hindi na rin mapigilan ang pagkasabik sa ama. Lagi itong nasa tabi niya.

Hindi ko naman masisisi ang anak ko. Mas malapit siya sa kanyang ama. Hindi naman ako hahadlang, at the end of the day, may karapatan pa rin ito.

Inirapan ko ito nang mapatingin sa gawi ko. Nakakainis lang hindi ako makakilos ng maayos. Masyadong masikip ang apartment na ito para sa amin. Gusto ko itong itaboy na para umalis na siya sa bahay.

Kahit anong iwas ko sa kanya ay lagi nakatutok ang mga mata nito sa akin.

"What?!" Supladang sabi ko dito. Naiinis kasi ako sa mga tingin nito parang huhubaran na niya ako.

"Nothing."

"Mikey, Bruce dito lang kayo. Huwag kayong sumama diyan. Maliligo pa ako. Pupunta tayo ngayon kay ninang Nicole niyo."

"Opo Mimi." Sagot naman ni Mikey na naglalaro sa pinto ng kanyang water gun. Sumimangot ito ng mapadako ang tingin niya sa kanyang ama. Iniharap nito kay Carson ang hawak niyang water gun at iniasinta bago pinaulanan ng tubig ang kanyang ama.

"Pew! Pew! Pew! Pew!" Ani Mikey habang binabaril ang kanyang ama.

Wala namang magawa si Carson kundi ang umiwas sa anak. Nababasa na kasi ang suot nitong damit.

"Stop it Mikey!" Awat ni Bruce sa kanyang kapatid.

Sinamaan ni Mikey ng tingin ang kuya nito at binaril din ng hawak niyang water gun. Parehas na nitong pinagbabaril sina Bruce at Carson.

Pumagitna na ako at iniharang ang sarili ko. "Tumigil ka na Mikey." Babala ko sa kanya.

"Mimi naman, kill joy." Ani nito na naka-pouting lips pa.

Kinuha ko na sa kanya ang hawak niyang water gun at binaril din siya sa mukha. Sumusobra na kasi ito.

Sumimangot ito sa akin. Maya-maya'y ngumiti.

"Bad Mimi." Hagikhik na tawa nito sa akin.

"Mas bad ka. Maligo ka na dun. Ang dumi mo na. Pati ang kuya Bruce mo at Dada mo dinumihan mo na rin." Lumingon ako sa dalawa kong mag-ama at iniharap si Mikey sa kanila. "Tingnan mo sila."

Ang dalawa naman ay parehas na basa na ang mga mukha. Unti-unti namang lumingon ulit sa akin si Mikey bago napahalakhak ng tawa.

"Psssh... Hahahaha! They were look like wet chickens." Komento naman ng bubwit.

"Look Mimi. Parang magkambal lang sila. Hahahaha."

Hinarap ko ulit ang anak ko. "Parehas lang kayong magkamukhang tatlo para kayong magkambal." Ani ko sa kanya.

"Hindi ko magiging kamukha si Carson Mimi, ikaw ka-look a like ko. Mas pogi ako sa kanya." Turo naman nito sa ama.

"Alam mo, makukurot na talaga kita kapag hindi ka pa maligo doon. Maligo ka na para makapunta na tayo sa ninang Nicole mo." Utos ko sa kanya.

Nagtatatakbo na ito papuntang bathroom para maligo.

"Bruce, sabayan mo na maligo si Mikey doon ng makapunta tayo."

Si Bruce naman ay awkward na tumango naman sa akin.

Lumingon naman ako sa dalawa at parehas na pinupunasan nila ng towel ang kanilang nabasang mga mukha.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon