Chapter 5 | FORGIVEN

565 18 0
                                    

Chapter 5

Mag-aalas kwatro na ng makarating ang anak ko galing sa school sinundo siya ni Carson.

Sinalubong ako ng yakap ng aking anak.

"Mimi!"

"How's school baby?" Malambing na wika ko kay Bruce.

"So fine Mimi. Look I've got a perfect score!" Pagmamayabang nitong pinakita sa akin ang perfect score niya sa math.

"Ang galing galing talaga ng baby ko." I kiss his forehead.

Bumaling naman ako kay Carson na kabubukas lang ng pinto ng bahay.

As usual, nakasimangot ito.

"Mimi, Dada bought me a new toy because I got a high score." Pagmamalaki nito.

Pinakita sa akin ng anak ko ang bagong laruan niyang kotse. Mahilig sa mga car toys si Bruce. Naging koleksyon niya na ang mga ito at iba pang vehicle toys.

"And you know what, Mi? I forgave him. He apologized to me. I know you can forgive Dada as much as I did, right?" Bulong nito sa akin.

Kahit nasa tabi namin si Carson alam niyang nakikinig ito sa usapan namin ng anak niya.

"And I think he loves you pa rin Mimi ko." Pakilig na wika nito habang binubulungan pa rin ako.

"He also has a gift for you but I will not tell."

"That's enough Bruce. Magbihis ka na." Walang ganang sabi naman ni Carson.

"Yes Dada! Talk to Mimi ha? I love you both!" Sabay karipas na ng takbo nito papunta sa sariling kwarto niya.

Naiwan kaming dalawa ni Carson sa living room.

Ang awkward.

Walang nagsalita sa amin nagkatinginan lang kami. Hindi naman kami ganito ng asawa ko.

Mga ilang minuto rin kami sa ganong sitwasyon. Naisipan ko na lang na tulungan na lang ang anak ko para magbihis.

Gusto kong umiwas sa kanya.

"Aasikasuhin ko muna si Bruce." Paalam ko sa dito.

Aalis na sana ako ng magsalita ito.

"Wait." Pigil nito sa akin

Huminto ako, nakatalikod pa rin ako sa kanya.

Huminga ito ng malalim.

"Nothing, just go." Malamig na sabi nito.

Umalis na ako sa living room at iniwan na siyang mag-isa, pinuntahan ko na ang anak ko sa kanyang kwarto.

Natapos na kaming maghapunan at kasalukuyan kaming nanonood ng movie sa Netflix sa living room katabi ko ang anak ko habang nakahiga sa lap ko at si Carson naman ay nasa kabila nakasampay naman dito ang paa ni Bruce sa lap niya nasa gitna namin siyang dalawa.

Tahimik lang kaming nanonood ng The Spider Man: Into the Spider-Verse.

Wiling-wili naman ang anak ko sa panonood kahit ilang beses na niya itong nakita.

Hindi pa rin kami nag-uusap ni Carson simula kanina.

Nahihiya akong kausapin siya o komprontahin siya.

Nangako naman siya sa akin na kakausapin niya ako pagkatapos ng nangyari sa amin kanina. Nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Nagagalit ako.

Pero palalampasin ko muna. Titiisin ko.

Bumalik lang siya, mahalin lang niya ako ulit.

Natanaw ko siyang tumitingin sa akin. Kapag nahuhuli ko naman siyang nakatingin ay iniiwas niya ang tingin niya at babaling sa TV habang himas himas ang paa ng anak namin.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon