Chapter 10 | MINE

530 14 0
                                    

Chapter 10

Pumunta na ako sa loob ng condo at agad na tinanong ang receptionist kung nandyan ba ang hinahanap ko. Agad naman nitong tinawagan para ikumpirma na bibisita ako sa kanya.

Nang mapag-alaman kong andun siya, ay agad na akong nagtungo, ilang saglit lang ay tumunog ang phone ko at tiningnan ang tumawag, unknown number malamang si Francis ito.

Agad ko itong sinagot.

[Hello? You surprised me Bea, I thought you would never show me again. Wait there I'll just pick you up.]

"Huwag ka ng mag-abalang bumaba malapit na rin ako sa unit mo." Walang gana kong sabi dito.

Galit pa rin ako sa asawa ko. Ipamigay ba naman ako?

"Sabihin mo na sa akin ang lahat ng alam mo Francis. Siguraduhin mo lang na malaki ang ebidensya mo."

[I will tell you everything.... Everything, Bea at kapag nalaman mo ito kamumuhian mo na ang asawa mo.] Paniniguradong sabi nito sa akin sa kabilang linya.

"Mahal ko si Carson, Francis may tiwala ako sa kanya. Asawa ko siya. Mapapatawad ko siya. Magpapatawad ako Francis."

Tumawa ito sa kabilang linya na para bang hindi ito nakumbinsi sa sinabi ko.

[Talaga? Let's see Bea, come and see me. I'll wait for you in the living room.]

Pinatay ko na ang tawag. Wala rin namang katuturan kung mag-uusap lang kami sa phone. Gusto ko siyang harapin at ipamukha sa kanya na si Carson na ang laman ng puso ko.

Sinisiraan niya lang si Carson sa akin..

Pero bakit bulong ng utak ko na may kailangan akong malaman?

Hindi ako mapapalagay kung hindi ko ito malalaman. Na para bang gusto ko ng malutas ito dahil ang laking bangungot sa akin ang lahat ng ito.

Kapag nalaman ko ba ang katotohanan sasaya na ako? O mas lalong masisira ang buhay ko?

Namalayan ko na lamang na nasa tapat na ako ng room ni Francis.

Kakatok na ako ng may marinig akong magsalita sa likuran ko.

"Hindi ka papasok sa loob." Hingal na hingal na sabi nito.

Lumingon ako.

Si Carson.

Sinundan niya ako.

Hindi ko siya pinansin dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya. Muli sana akong kakatok ng magsalita siya muli.

"Sasakalin kita kapag kumatok ka pa." Babala nito sa akin.

Pinigilan ako nito at hinawakan ang kabilang kamay ko.

Kumunot lang ang aking noo.

"Makikipagkita ka pa lang sa kanya, parang mamatay na ako. Huwag mo ng gawin, Bea ayoko." Sabi nito.

Baliw na ba siya?! Hindi ko na talaga maintindihan si Carson. Pagkatapos niya akong itaboy tapos heto siya ngayon.

Namalayan ko na lang na bumukas na ang pinto ni Francis.

Agad akong hinila ni Carson sa kanya at itinabi sa kanyang likuran. Hinawakan ako nito ng mahigpit na para bang kakawala ako sa kanya.

Nagulat naman si Francis sa kanyang nadatnan.

"Oh. Hindi ko alam na kasama mo pala ang asawa mo." Sabi ni Francis.

Tiningnan naman siya ng matalim ni Carson na ano mang oras ay may gagawin itong hindi maganda sa kanya.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon