Chapter 42 | TALK

384 18 3
                                    

Chapter 42

Makalipas ang tatlong araw ay nakabalik na rin kami sa Singapore. Sinabi ko na rin kay Nicole na itutuloy ko na talaga ang annulment.

I hate him! I hate Carson!

Paano niya nagawa sa akin ang lahat ng ito? Kung totoo man ang sinabi ni Gil sa akin na siya nga ang nag-utos na patayin ang mga magulang ko ay wala siyang kasing sama!

Hindi siya tao! Napaka demonyo niya!

Sana noon pa lang noong nagdududa na ako sa kanya, sana umalis na ako at iniwan ko na siya. Sana hindi na ako nagpakabulag pa sa pagmamahal ko sa kanya.

Maling mali talagang nagpakasal ako sa kanya!

Maling mali ang minahal ko siya!

I want to leave him so bad. It’s what I think about every day, simula ng malaman ko iyon.

Masakit pa rin pala kahit nalaman ko na ang lahat.

Ano na ang susunod ngayon? Paano ko haharapin ang mga problema ko?

Hindi ko na alam.

Ang alam ko lang ngayon ay gusto ko na talagang hiwalayan siya.

I really do dislike my husband. And I have no positive feelings for him left – and it’s been this way for a long time. Why on Earth am I still with this guy?

I don’t want to do this anymore. I need to let this go. It’s been so many years and I have suffered so much, when I had a choice not to. I need to move on.

Hindi na ako nakipagkita sa kanya simula noon. Naging busy na siya sa kanyang trabaho at sa kanyang anak. Kaya nang matapos ko ang panghuling seminar ko sa Pilipinas ay agad na kaming bumalik ng Singapore.

Hindi niya alam na nakabalik na kami dito. Ayoko ng problemahin iyon. Ang mahalaga ngayon ay nakapagdesisyon na ako na hiwalayan na talaga siya.

"Mimi, are you okay?" Tanong sa akin ni Bruce nang mapansin niya akong nakatulala lang sa labas ng bintana.

Tiningnan ko siya. "Anak patawarin mo ako. Hindi ko maibibigay sayo ang hinihiling mo. Hindi na talaga kami pwedeng magsama. Makikipaghiwalay na ako sa kanya anak, itutuloy ko na ang annulment."

Natahimik si Bruce sa sinabi ko. "Why?" Naluluha itong nakatingin sa akin. "Hindi na ba talaga pwede Mimi? Mahirap po ba talaga ang hiling ko?" Nakayukong sabi nito sa akin.

Muli itong umangat ng tingin. "Wala na talagang pag-asa. All I thought you would get back together when we were in the Philippines. Masaya ka doon diba Mimi? Bakit biglang nag-iba ang desisyon niyo? Bakit makikipaghiwalay ka pa rin sa kanya?"

“We have tried to work out our differences, but we haven’t been able to." Naluluha na rin ako.

Natahimik si Bruce.

Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Pati sila nahihirapan na rin sa sitwasyon namin.

"We hoped this would never happen but we can’t seem to fix our relationship." I said. "We both want different things in our lives." Dagdag ko pa.

"We like each other and want to be friends, but we don’t love each other anymore."

"That's not true." Tiningnan ako nang nagsusumamo ni Bruce. "Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo pa rin si Dada."

"Bruce..."

"You still love him Mimi. I still can feel it. Galit ka lang sa kanya dahil may kasalanan siya."

"I'm sorry, Bruce." Niyakap ko ang anak ko.

Patawarin niyo ako sa naging desisyon ko mga anak. Mas makabubuting maghiwalay na kami ng tuluyan ni Carson.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon