Chapter 17 | LOVE

359 14 3
                                    

Chapter 17

Napakunot ang noo ko ng may maramdaman akong mainit na palad na naglalaro sa pisngi ko, papunta sa aking ilong at dahan-dahang hinahawi ang buhok ko.

As usual, pinagod nanaman ako ng asawa ko.

Pagmulat ng aking mata ay agad kong natanaw si Carson na pinagmamasdan ako.

Nilalaro pa rin nito ang aking hiblang buhok. Pinagmasdan ko pa ang kanyang mapupungay na mata.

Hubo't hubad kami sa kama at tanging puting comforter lamang ang nagsisilbi naming takip sa isa't-isa.

Napangiti ito ng makitang gising na ako.

"Good morning sleepy head, you're tired?" He said softly.

Tumango ako ng dahan dahan at kinulong ko ang aking mga braso sa kanya.

Hinawakan ko ang labi nito at unti-unti kong nilipat sa kanyang pisngi.

Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang napakagwapong mukha ng aking asawa.

Hinawakan naman niya ang palad kong nakahawak sa mukha niya at hinimas ito ng kanyang hinlalaki.

Napapikit si Carson at pakiwari ko'y pinipigilan nito ang pag-iyak.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon.

Dahan dahang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

He kissed me in forehead.

"I love you, teddy bear."

Napadako naman ang tingin niya sa suot kong kwintas na binigay niya sa akin at dahan dahang hinawakan ito bago tumingin sa akin ulit.

"Sorry I broke your phone." Wika nito.

"Bibilhan na lang kita ng bago."

"Okay lang, wala naman akong sikreto doon." Mabilis kong sabi sa kanya.

"Are you still mad at me?" Ani nito.

Napangiti ako ng bahagya.

"Hindi ako galit sayo no, nagtatampo lang."

"Well then, I'm sorry for the huff."

Napahawak ako sa kanyang balikat at tiningnan ulit ang kanyang kulay hazel na mata.

"Carson." Tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?.." he responded.

"I'm pregnant."

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mata at unti-unti itong napapalitan ng matamis na ngiti.

"Y-you're pregnant?" Paninigurong tanong nito.

"Oo. Magiging tatay ka na ulit." Masayang wika ko sa kanya.

"Oh my God, you make me happy today, teddy bear." Masayang wika nito.

Hinalikan nito ang mga palad ko.

"I love you very much." Lahad niya.

"I love you too, Carson." Hinalikan ko ang kanyang labi.

-

Masaya kaming bumaba at nakahanda na ang breakfast, gising na rin sina Mama at Bruce.

Nang araw na iyon ay aalis na sina Mrs. Portland papuntang Belgium maaga kasing natapos ang exam nina Bruce kaya maaga rin siyang makakapagbakasyon.

Nasabi na rin namin kay Mrs. Portland na buntis ako.

Natuwa ito sa balita hindi pa nga daw kami nakakapaghoneymoon sa Italy ay may nabuo na.

Sumapit ang gabi at hinatid na namin sina Bruce sa airport gabi ang flight nila.

Sobrang mamimiss ko ang aking anak dahil ngayon na lang ulit siya mawawalay sa akin.

Doon siya magse-celebrate ng Christmas at New Year kasama ang lolo at lola niya.

"Oh, hija yung mga bilin ko sayo ha? Huwag kang magpapagod at uminom ka ng vitamins. Kung naglilihi ka aba utasan mo iyang si Carson at pahirapan mo. Lagi kitang kukumustahin ha? Kung pwede nga lang sumama ka na sa amin ng mabantayan kita doon." Ani nito.

"Andito naman ho si Carson, alam kong hindi naman niya ako pababayaan." Sabi ko sa ginang.

Tumakbo naman si Bruce papunta sa akin. Kanina lang ay buhat buhat ito ng ama naglalambing kasi ito dahil matagal niyang hindi makikita si Carson.

"Mimi, please take care while I'm away. Take care of my baby brother too. I love you, I'll be missing you so much Mimi ko." Ani nito.

Pinagpantay ko ang ang height namin at masuyo kong niyakap ang anak ko.

"Mag-iingat ka doon anak. Always obey your Grandma ha? Huwag mo silang bibigyan ng sakit ng ulo." Wika ko dito ng kumalas ako ng yakap niya.

Tango lang ang sinagot niya sa akin at nag thumbs up pa.

"I am a big brother now Mimi." Bruce said.

"Mahal na mahal kita anak."

Hinalikan ko ang anak ko sa noo.

Hindi ko namalayan na katabi na pala namin si Carson at masuyo kaming pinagmamasdan.

"You heard your Mimi, Bruce." Ani nito sa anak.

"Yes, Dada take care of Mimi." Sabi naman ni Bruce na parang kaibigan lang nito ang ama.

"I will, sir." Natatawang hayag naman ni Carson.

Hindi katagalan ay pumasok na ang maglola sa departure area niyakap ko na ng mahigpit ang anak ko.

Nang sinigurado naming nakapasok na sila sa departure area, ay napagdesisyunan na namin ni Carson na umuwi na.

Ma mimiss ko ng sobra ang anak ko.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon