Chapter 31 | NEW

584 20 0
                                    

Chapter 31

4 YEARS AFTER

Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto kong tirik na ang araw. Kailangan kasi dapat ay maaga akong nagigising upang makapasok sa aking trabaho. Kung hindi ako kikilos wala kaming kakaining mag-ina.

Kandarapa tuloy akong palabas ng kwarto upang maligo. Napahiyaw ako nang masilaw ako ng sikat ng araw. Tinanghali na talaga ako ng gising. Yari talaga ako sa boss ko ngayon.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis, paniguradong sermon ang aabutin ko mamaya.

Nang mahimasmasan ay tinungo ko na ang make up table ko at inayos ang sarili ko.

Kinuha ko ang ipit sa tabi ng aking make up table para ipusod ang shoulder-length ko na ngayong buhok. Napangiti ako ng makita ko ang hitsura ko sa salamin.

It's been 4 years since I left Carson.

Hindi ko na nga namalayang lumipad nang ganoon kabilis ang panahon. Masyado kasi ako naging abala sa aking trabaho.

Kakauwi ko nga lang ng Pilipinas noong nakaraang buwan. Para asikasuhin ang kaso ng aking mga magulang. Nahuli na rin sa wakas si Gil at pinagbabayaran na niya ngayon ang kasalanang ginawa niya sa amin. Hindi ko pa ito nakikita ulit, gusto ko pa rin siyang makausap kung bakit niya iyon nagawa sa amin. Mahigit tatlong taon din akong nanatili sa Singapore. Dito ay nagliwaliw ako, inalagaan ang sarili ko, namasyal, ginawa lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa noong nasa puder pa ako ng asawa ko.

Nagtatrabaho na ako ngayon sa isang kilalang bangko dito sa Singapore. Buti naman at nagamit ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo dati. Lumawas kaming mag-ina pagkatapos ng masalimuot na pangyayari sa akin dati na pilit ko ng kinalimutan. Mataas ang posisyon na naibigay sa akin dito at kahit paano'y natutustusan ko ang pangangailangan naming mag-iina. Sa maliit kaming condo nakatira.

Biglang bumungad sa aking harapan si Bruce. "Good morning Mimi ko!" May dala itong plato at kasalukuyang inahanda ng kakainin naming brunch.

Nagulat naman ako at tiningnan ang anak ko. "Hindi ka pumasok sa school?!" Gulat na tanong ko dito.

Ngumiti ito sa akin at umiling. "Mimi holiday po ngayon."

Patakbo naman akong tiningnan ang kalendaryo namin. Oo nga pala ngayon ko lang naalala. Napafacepalm na lamang ako.

"Bakit mo kasi ako hindi, ginising." Nagtatampo kong wika sa labing isang taong gulang ko na ngayong anak.

"Mimi, alam ko pong pagod kayo kagabi. Gabi na kaya kayo umuwi diba?"

Natawa naman ako kay Bruce sa sagot nito na nakalabi pa sa akin. Kinurot ko ang pisngi nito dahilan ng kanyang pagkakunot noo.

"Kahit na, dapat ginising mo ako nang maipaghanda ng breakfast ang family natin."

"Mimi, may chef naman po tayong tagaluto." Nakasimangot na tugon naman nito.

"Hindi pa rin pwede, muntik niyo ng sunugin ni chef ang buong kusina noong isang araw, bawal na iyon doon." Saad ko naman sa kanya.

"Mimi, hayaan ninyo na po kaming pagsilbihan ka namin ni chef please...." Nakanguso namang sabi nito. "Lagi ka na lang gabi po kasing umuuwi hindi na kami nakakabawi sayo." Mas kumunot pa ang noo nito. "May utang ka pa nga po sa amin eh, sabi mo noong isang araw ipapasyal mo kami sa Universal Studios." Dagdag pa nito.

Tsaka ko lang naalala.

Oo nga pala nangako ako.

"Sige, tutal holiday ngayon punta tayo mamaya, nakabili na rin ako ng ticket for us." Masayang wika ko sa kanya.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon