Chapter 7 | SON

458 18 0
                                    

Chapter 7

"Ano ba Carson!" Galit kong sabi dito.

Dinaluhan ko ang anak ko sa kinaroroonan niya at alam kong nasaktan ito sa ginawa ng kanyang ama. Hawak hawak naman ni Bruce ang kanyang noo kung saan siya natamaan ng bola.

Pakiwari ko'y gusto ng umiyak ng anak ko pero pinipigilan lang nito.

"Huwag mo namang pagbuntunan ng galit mo ang bata!" Niyakap ko si Bruce baka saktan nanaman niya.

"Umiwi na tayo." Madiin na sabi nito.

"Ayos ka lang ba ha anak?" Nag-aalala kong tanong sa anak ko. Tiningnan ako nito habang nakakunot ang labi. Namumula na rin ang mga mata nito na nagbabadya ng umiyak.

"ANO ANG GUSTO NIYO? KAKALADKARIN KO PA KAYONG DALAWA HA?!" Muling sigaw nito sa amin.

Wala kaming nagawa kundi sundin si Carson. Pagpasok namin ng kanyang kotse ay agad niya itong pinaharurot naiwan namin ang mga gamit sa park wala siyang pakialam.

Galit nanaman siya.

Wala kaming imikan sa loob ng kotse.

Tiningnan ko si Carson at nakatiim bagang lang siya habang nagmamaneho. Pakiramdam ko ay matatanggal niya ang manibela anu mang oras.

"Ganyan ka na ba kahibang kay Francis ha, Bea?!" Baling nito sa akin.

"BAKIT HINDI KA MAKUNTENTO SA AKIN?! ANO BA ANG MERON SIYA NA WALA AKO?! SABIHIN MO BEA!"

"Carson ikaw lang ang mahal ko! Maniwala ka naman sa akin." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"KALOKOHAN! AKO MAHAL MO?! ANO YUN DALAWA KAMI?! MASARAP BA PAGDALAWA ANG PUMAPASOK SAYO?!" Galit na galit na ito.

Wala akong magawa hindi ko siya kayang pakalmahin.

"HANGGANG KAILAN AKO MAGPAPAKATANGA SA PAG-IBIG MO, BEA?!... GUSTO MO BA NA MAGHANAP NA RIN AKO NG IBA?! DARE ME DAHIL HINDI LANG IKAW ANG BABAE SA MUNDO. MADALI AKONG MAKAHANAP NGAYON NG BABAENG MASESEX KO PARA MAGING QUITS TAYO!"

Hindi na mapigilan ni Bruce ang nakikita niya ngayon kaya bumalahaw na ito ng iyak.

"Please lang Carson! Walang nangyari sa amin ni Francis." Naiinis kong sabi hindi ko na alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.

"HAHAHAHA TALAGA?! LOKOHIN MO LELANG MO BEA, ANO NAGSISINUNGALING ANG LITRATONG YUN?! BAKA NGA HIGIT PA DOON ANG GINAWA NINYO NUNG ARAW NA IYON! ALAM KO NA ANG BAHO MONG PVTA KA!"

Wala itong pakialam sa mga sinasabi kahit nasa tabi lang namin si Bruce na tuloy pa rin sa pag-iiyak habang tinatakpan nito ang magkabilaang tenga.

"Carson huwag naman sa harap ni Bruce." Pagmamakaawa ko dito.

"HINDE! MAS MAINAM KUNG ALAM NIYA ANG GINAGAWANG KALOKAHAN NG INA NIYA!" Sigaw nito pa balik sa akin.

"Stop it please... I-Idon't want to hear it...!" Pailing-iling na sabi nito sa amin na takip ang tenga. Puno na ng luha ang mukha nito.

Parang sinasaksak ng punyal ang puso ko nang makita ko ang anak ko sa ganong kalagayan...

Nahihirapan din siya..

Napupuno na rin ako ng galit. At awa sa anak ko. Ayokong makitang nagkakaganito ang pamilya niya. Nasasaksihan niya lahat ang unti-unting pagbagsak ng pamilyang binuo namin ni Carson.

Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Heto nanaman.

Babalik nanaman kami ulit.

Alam ko na aabot kami sa ganito ni Carson, pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang pangyayari.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon