Chapter 8 | SEEK

447 14 1
                                    

Chapter 8

Isang linggo na ang nakalipas at wala pa ring Carson na dumating sa bahay. Hindi ko na alam kung saan ito pumunta.

Iniwasan ko rin ang text at call ni Francis. Blinock ko ito sa lists ng calls. Siya ang dahilan ng lahat kung bakit malayo nanaman ang loob sa akin ng asawa ko.

Kahit trabaho nito ay napabayaan na. Ilang beses na akong nagpabalik balik sa kanyang office pero ni anino ay wala ito. Tinanong ko ang kanyang sekretarya ngunit tumatanggi lang ito kapag sinasagot ako malamang ay inutusan nito ang mga tauhan na huwag ipagsabi kung nasaan siya.

Kahit inaway ko na ang buong tao sa office ay wala pa rin akong makuhang sagot sa kanila.

Nilayuan na ba talaga ako ng asawa ko? Carson bakit ayaw mong magpakita sa amin ng anak mo? Asan ka na ba talaga? Bakit wala ka sa trabaho mo? Ano na ang nangyayari sayo?

Kaya ngayong araw ay muli akong bumalik sa office niya dahil alam na ni Kyle kung nasaan siya buong linggo. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil tinupad niya ang sinabi niya.

Pinapanalangin ko na rin na sana sagutin na ako ng maayos ng mga tauhan nito dahil pang limang beses na akong pumunta. masasaktan ko na sila.

"Please miss alam kong pinagtataguan ako ni Carson. Hayaan mo namang makausap ko siya. Asawa niya ako. Please parang awa mo na." Pagmamakaawa ko ulit sa kanyang sekretarya.

"Ma'am hindi ko po kayo pwedeng sagutin pasensya na po talaga. Mahal ko po ang trabaho ko ma'am huwag na po kayong mangugulo." Sabi nito.

"Bago ka lang dito diba? Asawa ako ng amo mo. Kakausapin ko lang siya."

"Opo ma'am. Pasensya na po talaga umalis na lang po kayo."

"Naiintindihan kita, pero pagbigyan mo naman ako gusto ko siyang makausap. Please." Pangungulit ko dito.

"Pasensya na po talaga ma'am.. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Guard!" Tawag nito sa mga guwardiya.

Agad namang lumapit ang mga ito sa kinaroroonan namin.

"Ma'am pasensya na po talaga. Halika na po sa labas na lang ho tayo." Alalay sa akin ng dalawang guwardiya.

"Manong kilala niyo naman po ako pumupunta lagi ako dito. Asawa ko po ang pinunta ko dito. Kakausapin ko lang po siya." Habang tinatanggal ko ang paghawak nila sa kamay ko.

"Ako ang asawa ng boss niyo. Please papasukin niyo naman ako. Alam kong andiyan siya sa loob. Kahit sandali lang... Please parang awa niyo na."

"Ma'am hindi po pwede kami naman po ang papagali-"

Hindi ko na tinapos pa ang sinabi ng isang guwardiya, tumakbo ako papunta sa mismong office ni Carson.

Kabisado ko naman ang building na ito dahil binibisita ko si Carson. Alam kong sa araw na ito na pumasok siya sa kanyang trabaho. Kakausapin ko siya. Buong linggo akong naghintay sa kanya tama na ang pitong araw kailangan na niyang bumalik sa amin ni Bruce.

Mabilis akong nakapasok ng kanyang office at agad na inilock ang pinto nito.

And there I saw him.

Nanginig ako bigla.

May nakakandong sa kanya, isang babae. Hibang na hibang sa paghahalikan. Hindi man lang nila napansin na nakapasok na ako sa kwarto nato at nakita ang kawalanghiyaan nila.

Alam ko sa mga movies at libro ko lang nakikita ang eksena na ito.

A very cliche scene.

Mas masakit pala kung katotohanan na ang sumasampal sayo na nangangaliwa sayo ang asawa mo.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon