Chapter 43 | CARE

401 16 1
                                    

Chapter 43

It's already been two weeks, pero tandang tanda ko pa rin ang sagutan na ginawa namin. Halos hindi na ako dalawin ng antok sa kaiisip non. Masyado ko yatang nasaktan si Carson.

Nasa unit ako ngayon. Nakatengga lang wala kasing trabaho ngayon. Saglit muna akong nagpahinga bago naligo, at pagkatapos ay sumalampak na ng higa sa kama. Ang dalawang anak ko naman ay parehong nasa labas ng condo. Naglalaro ang mga ito kasama ang kanilang mga kaibigan.

Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong sa katabing maliit na mesa. As usual, may missed call at text na naman si Nicole. Inaasikaso ko na kasi ang annulment ngayon at siya ang kinuha kong attorney babalik ako ulit ng Pilipinas para sa Pre-trial tapos na rin ako sa psychology test.

Tuloy na tuloy na talaga.

Tinatanong pa ako ni Nicole kung sure na ba talaga ako sa gagawin ko. Baka nabibigla lang daw ako. Kahit may mga kulang sa evidence ko, pero hindi na talaga ako mapipigilan. Iyong babae talaga na iyon, daig pa ang reporter kung makatanong eh. Tsk. Mamaya ko na lang siguro siya re-replyan. Or I'll just call her later. Tinatamad pa kasi akong kausapin siya ngayon.

Napagpasyahan ko na lang na halungkatin ang mga contacts ko. Hanggang sa napadapad ako sa pangalan ni Carson.

Kahit anong kulit ko dito para kausapin siya tungkol sa annulment ay hindi pinapansin ang mga tawag at text ko.

At the back of my mind, I am hoping na sana may message na ulit sa akin si Carson.

I was worried.

Hanggang ngayon, nag-aalala ako sa kanya. Kahit na hindi naman dapat ako nag-aalala, dahil first of all, wala na dapat akong pakialam sa kanya. Pero ewan ko ba. I'm really worried. Alam ko kasing nasaktan ko talaga siya. Pagkatapos ma-received ko ang emails ng kanyang attorney tungkol sa pagta-transfer ng pangalan ko bilang owner ng dredging business na itinayo niya para sa magulang ko. Hindi na siya nagparamdam sa akin.

Ako na ang may-ari ng kumpanyang iyon, pagkatapos ipakilala ako ng attorney ni Carson sa mga stakeholders na ako na ang bago may-ari nang mag-meeting kami online. Kahit hindi ko naman alam kung paano patakbuhin iyon dahil iba ang propesyon ko.

Na transfer na rin sa akin ang pera ng mga magulang ko.

Ramdam kong malungkot siya.

After what happened to us, wala na akong balita sa kanya kung andito pa rin ba siya sa Singapore o umuwi na ba siya ng Pilipinas.

Kahit tinanong ko si Bruce kung nagcocontact pa rin ba sila ng ama niya.

Hindi na rin daw ito nakakatawag at sumasagot sa mga text at calls niya. Ramdam kong nagtatampo rin sa akin si Bruce.

I really wanted to call him. Gusto kong malaman kung kumusta na siya. Marami rin kasi akong masasakit na salitang binitawan sa kanya.

Hindi ako mapalagay kung hindi ko siya matawagan.

Kaya dinial ko muli ang number niya.

Umupo ako ng tuwid at sumandal sa headboard ng kama. Huminga muna ako ng malalim bago ko inilagay sa tenga ang phone ko.

Maya-maya pa'y nagring na ito.

Pinapanalangin ko na sana sagutin niya ang tawag ko.

Nakailang ring pa ito bago sinagot ang tawag ko.

"Hello, Carson?" Bungad ko sa kanya.

[Bea...] Walang ganang sabi naman nito sa kabilang linya.

"N-Nasaan ka?"

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon