Chapter 50 | HAPPINESS

474 26 5
                                    

Chapter 50

"Mimi ko..." Wika ni Bruce sa aking likuran. Nanigas ako sa aking pagkakatayo habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng aking luha.

Hinawakan niya ako sa aking pisngi. Tiningnan ko ang kanyang mga mata namumula iyon na para bang pinipigilan lang niyang mapaiyak.

Maya-maya ay nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking pisngi at unti-unting yumuko.

"I'm sorry..." Pabulong niyang sabi pero sapat na iyon para marinig ko. Nakita ko pa siyang suminghot ilang sandali lang ay may inabot siyang sulat.

Napangiti ako. Hindi pa rin pala nagbabago ang anak ko. Naaalala ko tuloy noong bata pa siya, kapag nagtatampo ito sa akin ay laging gumagawa ng letter para humingi ng sorry.

Nadala niya iyon hanggang ngayon.

I read his letter.

There’s a woman I really love and miss. She took care of me for years. But I left her, I choose my father over her. I don't remember her when I had an accident, I even drove her away, but still she did not give up on me……

She’s a precious gift to me and I’m really thankful for that. I also wanted to give thanks to her for she have done in my life.

I also want to say sorry for everything forgive me for all my sins. I'm sorry for leaving you.

I do hope that she will be bless and guided by our God. I also hope that she’s always safe and healthy. This message is not enough to show how I love her and how thankful I am because of her. She's my Mimi, my hero, indeed my superwoman. Oh! I forgot to mention that her name is Beatrice Jimenez-Portland.

Happy Birthday Mimi Ko,

Your loving Son,
Bruce Arsene.

Muli akong tumingin sa kanya. This time ay umangat na rin ang tingin niya sa akin.

"Naaalala mo na ako?"

Tumango ito ng dahan-dahan.

"Yes..." Ngumiti ito "Can I hug you?"

Ako na mismo ang yumakap sa kanya. "Miss na miss na kita, maraming salamat po sa mga sakripisyo na ginawa mo sa amin ng mga kapatid ko. Sa pagtitiis sa akin. Sa walang sawang pagmamahal sa amin. Lahat po iyon naappreciate ko. Nawala man ako ng ilang taon sayo Mimi ko, babawi po ako."

Kumalas ito ng yakap sa akin at hinarap ako. "Matangkad na ako kaysa sayo. Hindi man ganon kataas ang height mo kumpara sa akin. Napakalaki naman ng puso mo."

he kissed me on the forehead.

"Happy birthday..."

Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon na kapiling ko na ang anak ko na matagal ko ring hindi nakasama. Heto na siguro ang pinakamasayang kaarawan ko dahil kumpleto na sila.

"Mimi, he's still waiting for you." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Dada never dated anyone. He's still choosing you. Mimi, kung galit ka pa po sa kanya, nirerespeto ko po iyon. Ayoko na pong ipilit pa na sana balang araw ay makumpleto tayong lahat. I'll let you realize that he can be a better husband now."

"Bruce..."

"That's okay Mimi..." Pumunta naman si Mikey sa amin at hinila na kami pareho ni Bruce sa hinanda nilang mesa.

Naupo na kami isa-isa doon.

"Kayong dalawa kelan niyo pa plinano ito?" Baling ko sa dalawang anak ko.

Napangiti naman si Robbie sa akin.

"Kuya Mikey planned it." Ani Robbie.

Yumuko naman si Mikey. "Thank you kids, pinasaya niyo ang Mimi ngayon." Dahan-dahan na tiningnan ako ni Mikey at pagkatapos ngumiti ito.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon