Chapter 30
Bumukas ang private room kung saan ako na-admit. Nakita kong pumasok si Nicole natuwa ito ng makitang gising na ako.
Sinubukan kong umupo pero hindi ko pa magawa. Agad naman akong inalalayan ni Nicole.
"Huwag ka munang umupo hindi mo pa kaya." Ani nito sa akin.
Hindi ko siya hinayaan at nakaupo pa rin ako. "A-Anong nangyari?"
Tanong ko kay Nicole pagkatapos nito akong alalayan. Tahimik naman ang kaibigan ko at naluluha ng makita ang itsura ko.
Naalibadbaran naman ako sa asta nito, ayoko kasing kinakaawaan ako. Hindi na nito napigilan ang pag-iyak.
"Kailan pa... Kailan ka pa niya sinasaktan?" Naluluhang tanong nito sa akin.
Hindi ako makatingin kay Nicole. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa buhay namin ni Carson. "Bakit ka naglihim sa akin Bea, kaibigan mo ako. Sinabi na sa akin ni Francis ang lahat... Bakit mo hinayaang umabot sa ganito? Hindi mo dapat nararanasan 'to. " Sumbat nito sa akin.
Hindi ko na rin mapigilan at naiiyak na ako.
"Patawarin mo ako Nicole, kung bakit naglihim ako sayo... Mahal ko lang talaga siya, nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya..." Naluluha kong sabi sa kanya.
"Paano niya nagawa sayo ito?" Maluha-luhang wika nito sa akin habang hinahawakan ang aking kamay.
"Napakasama niyang tao Nicole I hate him! Bakit ba minahal ko siya?!" Naiiyak kong sabi sa kaibigan ko.
"Magpalakas ka, kailangan mong magpalakas para sa anak mo." Ani nito.
Oo nga pala bigla kong naalala si Bruce kumusta na kaya ang anak ko? Huli ko siyang nakita nung hampasin siya ng walang hiyang lalaking iyon.
"Nicole, K-kumusta na si Bruce?" Nag-aalala kong tanong kay Nicole.
"Magpahinga ka muna Bea, please huwag mong i-stressed ang katawan mo." Anito na ikinainis ko sa kanya. Bakit ayaw niya bang sabihin kung kumusta na ang anak ko?
"Sagutin mo ako, Nicole." Naiiyak ko nanamang sabi.
"Inaasikaso pa siya ni Kyle, Bea alam kong fighter ang anak mo. Makakaya ni Bruce lumaban. Please, tulungan mo ang sarili mo." Ani nito sa akin.
"Ang sama niya Nicole... Ang sama-sama niya! I loathe him! He almost killed my son. Hinding hindi ko siya mapapatawad." Naiiyak kong sabi.
Pinatahan naman ako ni Nicole sa pamamagitan ng paghaplos nito sa aking buhok.
Tinulungan niya naman akong punasan ang luha ko sa mata. "Bea, huwag kang magtanim ng sama ng loob sa asawa mo. He is still your husband. Oo, alam ko, masakit ang nangyari sayo. Pero subukan mo siyang intindihin. Hindi niya rin naman gusto ang nangyari sa inyo ng anak mo. Nasasaktan din si Carson."
Tinignan ko siya ng diretso. Bakit parang mas kinakampihan niya iyon kaysa sa akin? Hindi ko siya maintindihan, dapat ako ang kampihan niya hindi ang lalaking iyon. Dapat magalit din siya dahil sa ginawa ng hayop na iyon, tapos ngayon kakampihan niya? Ako ang kaibigan niya. "I don't understand, bakit parang kinakampihan mo siya?" Nagtatampo kong sabi kay Nicole. Ako na nga ang naagrabyado dito.
"Wala akong kinakampihan Bea, parehas ninyong sinaktan ang isat-isa. Nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa. We need to accept it."
"Wala akong paki kung nasaktan siya Nicole, deserved niya lahat. Ang dami kong tiniis sa kanya, nawawalan na ako ng gana na ipaglaban ang pamilya namin."
Napapikit ang mata ko. Pinilit ko ang sarili ko na kumalma. Napapagod na kasi ako. Ang bigat-bigat pa ng katawan ko.
Muli kong tiningnan si Nicole, sa hitsura niya alam kong nag-aalala ito sa akin.
"Nicole?"
Ngumiti siya ng mapait mukhang alam na niya ang susunod kong sasabihin.
"I need your help please..."
Muling hinaplos nito ang aking ulo.
"I want to file a permanent protection order, gusto kong lubayan niya na kami ni Bruce."
"Bea, isang taon lang ang bisa ng PPO---"
Pinutol ko ang sinabi niya. "I don't care, pwede pa namang ma-extend iyon diba?! O kaya kakasuhan ko siya ng VAWC at sa panahong iyon ay nakapagfile na rin ako ng annulment sa kanya." Matigas kong sabi kay Nicole.
Hindi na siya nagsalita pa. Pero alam ko, ramdam kong tutulungan niya ako sa hiling ko. Besides, I am her friend. I know she doesn't want to see me hurting.
Sakto naman na muling pagbukas ng pinto, lumabas doon sina Francis at Kyle na magkasama.
"Kyle... Kumusta na si Bruce, okay lang ba ang anak ko?" Naluluha kong tanong kay Kyle.
Huminga muna ng malalim si Kyle at malamlam na tumingin sa akin.
"He's still unconscious, nasobrahan ang pagkahampas sa kanya. Pero huwag kang mag-alala, Bea gagawin ko ang lahat para mailigtas ang anak mo." Nalulungkot na wika ni Kyle sa akin.
Nanggigil naman ako, demonyo ka Carson! Nang dahil sayo nahospital ang anak mo. Sana makonsensya ka sa mga ginawa mo sa amin.
"Nasaan na siya?" I'm referring to that guy. At alam kong naiintindihan nila iyon.
Si Francis ang sumagot. "Nagboluntaryo ang asawa mo na magpakulong sa presinto. Pinipigilan ko nga dahil bugbog sarado iyon, pero nagmatigas siya wala namang nagawa ang mga pulis dahil nagwala ito doon."
Dapat lang sa kanya ang makulong! Wala siyang puso! Ang sama niyang tao!
"Nakunsensya na ba siya dahil sa ginawa niya sa amin ng anak niya? Pagdusahan niya ang lahat ng kasalanan niya." Nangigigil kong wika.
Wala naman silang imik na tatlo.
Tsaka ko naalala buntis pala ako,
Diyos ko, nakunan ba ako?
Dahana-dahan kong muli tiningnan si Kyle.
"K-Kyle... K-kumusta ang... B-Baby ko?..." Pautal utal kong sabi.
Huwag naman sanang may nangyaring masama sa pinagbubuntis ko. Hindi ko na kakayanin. Hindi pa nga ako tapos sa pag-aalala ko kay Bruce. Huwag naman sana.
Hindi pa rin sila nagsasalita.
"Ano! bakit hindi kayo nagsasalita?!" Galit kong sabi sa kanila.
Yumuko sina Nicole at Francis. Habang si Kyle ay hindi alam kung paano bubuohin ang kanyang salita.
Wala pa rin silang imik kaya si Kyle na ang tinanong ko.
"Kyle... The baby? What happened to my baby?" Halos pumiyok na ako sa kakatanong kay Kyle.
Huminga ito ng malalim.
"I'm sorry, Bea."
-END OF BOOK 1-

BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomansaHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...