Chapter 37 | ARGUMENT

562 21 1
                                    

Chapter 37

"How are you?" Tanong nito sa akin.

"Fine."

"Ha? Fine? Are you kidding me." tumawa ito na para bang hindi naniniwala.

"Bitawan mo ang anak ko." Matigas kong sabi sa kanya.

Lalapit na sana si Bruce sa akin ngunit nakita ko naman na pinigilan ito ni Carson.

"Stay here, Bruce." Maawtoridad na boses nito.

"Masaya na kami, Carson."

"Hahaha, stop joking, Beatrice. I know that this is not the life that you want-"

"Dahil iyon sa iyo."

"Hanggang ngayon, galit ka pa rin sa akin?, Pinagbigyan na kita sa gusto mo Bea, ako naman." Sabi nito.

"Paano mo nalaman ang apartment namin?! bakit ka andito?!" sigaw ko sa kanya.

"Simple lang, tinanong ko ang kaibigan mong abogado." Ani nito. Hinila naman niya si Bruce at pinaupo sa couch, nakaakbay pa rin siya dito. "Alam mo naman ang sagot sa tanong mo Bea kung bakit ako nandito." Sabi nito sa akin ng makaupo sila.

"Bakit atat na atat ka na ba sa annulment huwag kang mag---" pinutol nito ang sasabihin ko.

"Hindi sa annulment ang pinunta ko dito, Bea."

"Kung hindi doon ang mabuti pa ay lumayas ka na, Carson."

"Where's my son?" Mabilis na tanong nito.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nang tingnan ko siya, ay seryoso siyang nakatingin sa akin, at pakiramdam ko kinuha na ng Diyos ang kaluluwa ko.

Eto na ang kinakatakutan ko. Eto na. Paano ko ngayon palulusutan ang pagkabuhay ng anak namin? kung malaman niyang buhay si Michael? Paano kung kunin ni Carson sina Bruce at Michael sa akin, at pumayag sila?

"S-Si Bruce lang-"

"Don’t lie to me!"

"Wala kang karapatan!"

"Anak ko rin siya, Bea, anak ko sila kaya may karapatan ako sa kanila!"

"Umalis ka na lang Carson dahil wala ka rin namang mapapala!”

"Mimi! what is going on?"

Napatingin naman ako sa nagsalita, at nakita ko si Mikey na nakatayo sa likod ko. Nakatingin lang ako sa kanya, samantalang palipat-lipat lang ang tingin niya sa amin ni Carson at sa kuya nito. Pakiramdam ko eh dumaloy na ang bumabadhang mga luha sa mata ko.

"M-Mikey..."

"So he’s my son?"

"Who are you? And what are you doing with my big bro?"

Inusisa ni Mikey ang kabuuan ng mukha ni Carson bago tumingin sa nakakatandang kapatid nito.

"Big bro. Is he the man in the picture? Yung kasama mo doon?" Salubong na kilay na tanong nito sa kapatid.

Dahan-dahang tumango si Bruce. "Yes."

"I’m your father, son."

Natigilan si Mikey sa sinabi ni Carson. Lumapit sa akin ang bata at saka ako niyakap ng mahigpit.

"You're alive," Naluluhang sabi nito.

Tumingin naman sa akin si Mikey nang may pagtataka sa kanyang mga mata.

"Mimi is this true?"

Napa-iyak na lang ako non tumulo na ang luha ko. Samantala si Bruce ay hindi naman alam kung ano ang gagawin.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon