Chapter 52
Unti-unti akong nagising nang maramdaman ko na basa ako. Napabalikwas ako ng bangon ng may makapa akong maliit na alimango na nakasipit sa aking kaliwang daliri.
Agad kong tinanggal iyon na mapagtanto kong alimango nga ang nakasipit sa akin buti at bumitaw ito agad. Namilipit naman ako sa sobrang sakit.
"Awwww!" Bulalas ko habang hinihipan ko ang aking daliri na sinipit ng maliit na alimango na iyon.
Sobrang hapdi.
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Walang tao.
Teka nasaan ba ako?
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari sa akin kagabi. Pinikit ko pa ang aking mata at diniinan ang pagkasabunot ng buhok ko.
Ang sakit ng ulo ko at mukhang nahihilo pa ako.
Bigla akong nagmulat ng maalala kong lumubog pala ang yacht na sinakyan namin sa event dahil sa bagyo.
"Diyos ko nasaan na ako?!" Tanong ko sa sarili ko.
Ang huling natatandaan ko ay kasama ko si Carson na tumalon sa dagat. Pero nasaan na ito?
Hindi ko na alam ang nangyari nang manginig ako sa sobrang lamig kagabi habang yakap-yakap si Carson. Nawalan na ako ng malay at hindi ko na rin alam kung nasaan siya.
Unti-unti akong tumayo. Baka sakaling may taong makakatulong sa akin at makita ako.
Napangiwi pa ako sa sinag ng araw dahil medyo tirik na rin. Tinanggal ko na rin ang suot kong life jacket at nagsimulang maglakad-lakad.
"Diyos ko si Homer?! Ano na kaya ang nangyari doon at yung mga sakay kumusta na kaya sila?" Wika ko sa sarili ko.
Parang baliw na ako dito na ewan hindi ko na alam ang gagawin ko.
Palinga-linga pa rin ako sa paligid baka kasi may tao akong makita para makahingi ng tulong pero napagod na ako at wala akong makita.
Wala akong nagawa kundi bumalik sa pinanggalingan ko. Baka makasalubong pa ako ng mga hayop sa daan.
Nakakainis nasaang lupalop na ba ako napunta? Napaupo na lamang ako ulit at hinampas sa buhanginan ang life jacket na suot ko kanina.
Napakamot na lamang ako ng ulo at napapikit ng mata. Nang bigla kong maalala na dala ko pala ang cellphone ko. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa stocking ko. Tinaas ko pa ang Tie Dress ko para lang makuha. Buti na lang talaga at nalagay ko iyon dito bago nakatalon kami ni Carson kagabi.
Laking dismaya ko sa sarili ko ng pagtingin ko ay hindi na mabuksan ang cellphone ko. Nabasa na ito at hindi ko na magamit. Padabog kong hinagis sa malayo ang cellphone ko at napasabunot na lamang sa buhok ko sa sobrang pagka-frustration.
"Nakakainis! Kung minamalas ka nga naman. Paano ko ngayon macocontact ang mga anak ko? Hindi ko na alam kung saan na ba ako." Naiiyak kong sabi sa sarili ko.
Binalot ko na lamang ang sarili ko ng yakap habang nakayuko, nilalamig na kasi ako.
Narinig ko na rin na tumunog na ang tiyan ko. Kumalam na ang sikmura ko. Siguro tanghali na ngayon kaya parang nagugutom na rin ako.
Napasimangot na lamang ako ulit.
Kahit siguro magsisisigaw ako dito ay walang makakarinig sa akin. Tanging karagatan at dalampasigan lang ang pagitan ng aking napuntahan. Baka kung pumasok ako sa kagubatan na iyon, ay may mangyari pa sa akin.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
Paano ako makakaalis dito?
Napaiyak na lamang ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomansaHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...