Chapter 12
Nagising ako sa maliliit na halik sa aking pisngi unti-unti akong nag-inat habang nakasarado pa rin ang aking mga mata. Pagmulat ng aking mata naramdaman ko na may maliliit na yabag na tumatakbo palayo at kumalabog pa ang pinto.
Napangiti ako ng mapagtantong si Bruce ang lumabas mula sa kwarto.
Ang anak ko talaga.
Nahihiya siguro sa akin dahil hindi niya ako pinapansin sa nagdaang araw.
Bumangon na ako ng kama at inayos ang higaan namin ni Carson. Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay nakaramdam ako bigla ng pagkahilo at nagsuka. Kahit wala naman akong maisuka ay pakiwari ko'y pati bituka ko ay ilalabas ko.
Pagod lang siguro ako dahil makailang beses namin ginawa iyon kagabi ni Carson.
Grabe ang stamina niya hindi ko kaya.
Tumingin ako ulit sa salamin at tiningnan ang aking repleksyon.
Hindi kaya posibleng buntis na ako? Ilang araw na akong hindi dinadatnan?
Tatlo? Isang linggo?
Hindi pa naman kumpirmado.
Nag-ayos na lang ako ng sarili ko at lumabas ng kwarto.
Pagpasok ko ng kitchen ay nakahanda na ang breakfast.
Si Carson ba ang lahat ng nagluto nito? Bakit hindi man lang niya ako ginising para matulungan ko naman siya.
Naabutan ko naman si Bruce sa mesa habang hindi mapakaling pasulyap sa akin.
Bagong ligo ito at nakasando pa. Naghahanda na ito para pumasok ng school.
Napangiti ako at nilapitan ang anak ko. Hinawakan ko ito sa pisngi at hinalikan.
"Good morning baby ko, ang bango bango naman ng anak ko. Paamoy nga ng kili-kili." Natutuwang sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo nito at namula hahawakan ko na sana uli siya ngunit hinawi niya ang kamay ko at agad niyang inilayo ang kanyang sarili sa akin.
Kumaripas ito ng takbo.
Napangiti na lamang ako sa inasta ng anak ko. Ayaw na ayaw talaga nito pagbinibaby siya.
"Gising ka na pala."
Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Carson na naka apron pa. Inilapag nito sa mesa ang mga niluto.
"Bakit hindi mo man lamang ako ginising para matulungan kita sa pagluluto?" Tanong ko dito.
"Ayaw kong mapagod ka teddy bear, pinagod na nga kita kagabi eh." Lumapit ito sa akin at dinampian ako ng halik sa pisngi.
"Good morning." He said sweetly.
"Good morning too." Ganting sabi ko naman.
"Tara let's eat, marami akong hinandang breakfast alam kong gutom ka na." Inilalayan ako nito para makaupo.
Hindi naman nagtagal ay lumabas ulit si Bruce na may dalang papel sa kanyang kamay hindi pa rin ito makatingin ng deretcho sa akin. Nakatayo lang ito sa aking tapat.
Tiningnan naman ito ng kanyang ama.
"Get here Bruce take your breakfast, ihahatid pa kita sa school." wikang sabi nito habang dala dala ang kape at gatas na timpla niya.
Inabot sa akin ni Bruce ang papel na kanyang dala.
Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat sa papel.
I'm sorry Mimi ko.
Iyon ang nakalagay sa papel.
Muli kong tiningnan ang aking anak. Umiiwas ito ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...