Chapter 57
"Kumusta ka na?"
Hindi ako okay, wala na kasi siya. Wala na ang chef ko.
"Bea, dalawang linggo ka ng walang matinong tulog at hindi ka na kumakain. Magtatampo na sayo si Mikey niyan kung lagi kang nagkakaganyan."
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Nicole. Katabi ko ito habang itinatabi ang mangkok na kanyang dala.
"Bea, huwag mo namang pabayaan ang sarili mo ang payat-payat mo na. Magpalakas ka please." Bakas ang boses ng pag-aalala ni Nicole sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Dalawang linggo na mula ng mangyari iyon. Dalawang linggo na rin akong walang ibang gawin kundi ang magmukmok na lang at ubusin ang luha ko.
Nandito ako sa bahay ni Nicole ngayon. Inaway ko si Carson dahil hindi niya nailigtas si Mikey. Pangako niya sa akin na maililigtas niya ito.
Pero wala silang nagawa.
Nasunog ang warehouse na pinagdalhan nila kay Mikey. Walang na recover na katawan man lang. Lahat naging abo.
Sina Gil at Francis naman ay nagbarilan sa isat-isa dahil wala na silang kawala, nagpakamatay sila para matakasan ang kahayupang ginawa nila.
Nagpapagaling din si Alexander sa hospital dahil may tama ito.
Habang sina Carson at Bruce naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta matapos ang pangyayaring iyon.
Nagkaroon kami ng sagutan.
Galit na galit ako sa kanilang dalawa dahil hindi nila nailigtas ang anak ko.
Sinisisi ko na ang lahat sa nangyari. Siguro ay malaki talaga ang naging kasalanan ko kung bakit nabiyayaan ako ng ganitong buhay, na puro problema na lamang ang meron ako.
Nakakulong lang ako sa kwarto maghapon hindi ko na alam ang nangyayari. Gusto ko na lamang talikuran ang lahat. Wala na akong balita sa labas. Si Nicole na lamang ang nagbabalita sa akin minsan.
"Bea, huwag ka namang magmukmok dito, naawa na ako sa inyo ni Carson. Palipasin mo muna ang init ng mga ulo ninyo. Mag-usap kayong mag-asawa, dapat ay nagdadamayan kayo ngayon Bea."
Nanatili akong tahimik na nakatingin kay Nicole.
"Mahal na mahal niya kayo ng mga anak niyo. Intindihin mo rin siya nawalan din siya ng anak."
"Nicole, umaasa pa rin ako na buhay si chef. Walang nakitang katawan sa crime scene diba? Sana buhay pa siya."
Niyakap ako ng mahigpit ni Nicole. "Bea, natupok ng apoy ang warehouse na iyon at puro abo na lang. Walang Mikey na nakita."
"Kasalanan ni Carson ang lahat ng ito. Kung sana hindi ko siya nakilala hindi ako magdurusa ng ganito." Naiinis kong sabi.
"Bea, please... Tama na huwag mo namang isisi kay Carson lahat. Nahihirapan na rin siya...
...ano ang gusto mo maghihiwalay na naman kayo? Lalayuan mo na naman siya. Diyos ko Bea, paulit-ulit na lang ang scenario ninyo lumalaki na ang mga bata. Tumatanda ka na. 38 ka na sa susunod na taon. Kaylan ka lalagay sa tahimik? Ayusin ninyo na ang pamilya ninyo. Alam kong mas sasaya si Mikey kapag nakita niyang kumpleto na kayo kahit wala siya."
"Hindi ko na alam Nicole."
Naramdaman ko na lamang na sinampal ako ni Nicole.
"Gumising ka na Bea, magmove on ka na walang mangyayari kung tutunganga ka lang dito. Parang awa mo na alagaan mo ang sarili mo. Lalo pa't buntis ka na naman."
"Paano mo na laman Nicole?" Tanong ko sa kanya sinekreto ko iyon.
"Nakita kong tinapon mo ang pregnancy test sa basurahan. Dalawang guhit iyon Bea. Ano hahayaan mo na naman ang pinagbubuntis mo na walang makikilalang ama? Hindi ka pa ba nagsasawa?!"
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
Lãng mạnHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...