Chapter 55
Gumising ako na mabigat ang mata. Agad akong napabalikwas sa kama ng mapagtanto kong umaga na naman. Napaiyak na lamang ako. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Mikey. Hindi siya naabutan ni Bruce. Nakasakay raw ito agad ng taxi at hindi na niya nahabol pa.
Tatlong araw na siyang nawawala. Ni wala na akong balita sa kanya. Pinaalam na rin namin sa pulisya ang pagkawala niya.
Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko sa anak ko. Kung hindi sana ako sumabog sa sama ng loob kasama ko pa sana siya ngayon.
Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin. Tinanaw ko ito, si Robbie.
"Mimi ko, please don't cry... Makikita rin natin si chef. Alam ko pong babalik din siya." Yakap na sabi sa akin ni Robbie.
"Mimi, I don't want to see you like this, if you are sad I'm sad too."
"Pasensya ka na anak." Pinunasan ko ang luha ko at nginitian siya. "Na miss ko lang si chef."
"Bea..." Wika ni Carson ng makapasok ito sa kwarto namin.
Agad akong napatayo nang makita siya. "Carson, may balita na ba kay Michael?" Halos araw-araw ng naghahanap si Carson makita lang ang anak niya. Medyo pagod na rin ang mukha niya dahil hindi na rin nakakatulog. Napapabayaan na rin nito ang kanyang trabaho.
"Buong araw akong naghanap. But still, hindi ko pa rin siya makita." Nalulungkot na wika nito sa akin.
Lumapit ito sa akin. "Teddy bear, I promise you. Hahanapin ko ang anak natin ibabalik ko siya. At kapag nahanap ko siya, yayakapin ko siya ng mahigpit. Paulit-ulit kong sasabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. I hope this allows us to feel closer to one another. My greatest hope would be for him to forgive me."
"Aalis ako ulit, hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita. I'll bring back my son."
Hinawakan ko siya sa mukha ramdam ko kasing pagod na pagod na siya. "Carson, magpahinga ka muna kahit saglit. Ako naman ang maghahanap."
Umiling-iling ito. "No, teddy bear dito ka na lang. Ikaw ang dapat magpahinga. Kahapon ka pa naghahanap. Ako na muna ulit." Sabi nito bago hinalikan ako sa aking noo.
Maya-maya pa ay binitawan ako nito at dahan-dahang lumapit kay Robbie. Pinagpantay nito ang kanilang taas.
"Robbie, bantayan mo muna Mimi mo dito sa bahay. Ikaw na muna ang bahala sa kanya."
Tumango naman ang bata sa kanyang ama. "Can you make a promise?"
"Opo." Sabi nito sa ama habang tinitingnan ang mga mata nito. "Once you made a promise, dapat tuparin mo iyon kahit ano ang mangyari."
Tumango ulit si Robbie.
"I want you to promise me to stay with her and never leave her."
"I can do that, what else?" Kumikibot pang labing sabi nito sa ama.
"Please promise me that you will take care of Mimi. You will look after her while I'm away. You will protect her for me. Can you do that?"
"Yup. I will be her superman." Nakayukom pang kamaong sabi nito.
"Thank you, son." Napangiti si Carson sa anak.
"No problem Dada."
Ginulo ni Carson ang buhok nito at muling lumapit sa akin. "Aalis na ako. I'll ask Bruce and Alexander kung may impormasyon na sila kung nasaan na si Mikey. Bea, hindi ko hahayaang matagal nating hindi makita si chef. Gagawin ko ang lahat makita lang siya. I need to go." Hinalikan pa ako nito sa noo bago umalis.

BINABASA MO ANG
A Broken Vow
Любовные романыHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...