Chapter 13 | THE PARENTS

403 14 0
                                    

Chapter 13

Hindi mawala wala ang ngiti ni Bruce nang pumunta kami sa airport susunduin namin kase ang mga magulang ni Carson dahil ngayong oras na ito darating ng Pilipinas galing Belgium. Nang nasundo namin si Bruce sa kanyang paaralan ay dumiretso na kami dito.

Ilang minuto rin kaming naghintay sa waiting area nang maglaon ay nakita na namin ang mga magulang ni Carson na kasama ang iba pang kakauwi galing ibang bansa.

Napangiti agad si Bruce nang makita ang kanyang lolo at lola. Agad na lumapit ito sa kinaroroonan nila at niyakap ang mga ito.

"Oh my God, Bruce apo, I missed you so much my grandson ang laki laki mo na apo ko." Natutuwang sabi nito sa kanyang apo.

Nang makalapit na sa amin ang dalawang mag-asawa kasama ang anak namin ay agad namang hinalikan ni Carson ang kanyang mga magulang.

"Hello, mom, dad welcome back." Natutuwang sabi nito sa kanyang mga magulang.

"Rhada, gaan we ze niet verrassen? Maar waarom zou ik verrast zijn?" [Rhada, hindi ba isosorpresa natin sila? Pero bakit ako yata ang nasorpresa?] Wikang banyagang tanong ni Mr. Portland sa kanyang asawa.

"Honey, sorry ka na lang dahil excited akong makita ang apo at ang anak ko, at siyempre ang daughter-in-law ko." Sagot nito sa asawa habang hinihimas ang buhok ng kanyang apo. "Sorry, als ik je plan heb gebroken." [Sorry, kung sinira ko ang plano mo.] Natatawang pahayag nito sa sumunod niyang sinabi na hindi ko naman maintindihan.

"Ang mabuti pa ho tara na sa kotse ni Carson nang makapagpahinga po kayo sa bahay namin." Sabi ko sa dalawang mag-asawa.

"Naku Bea, no need tutuloy kami sa bahay ko sa Rizal bibisita na lang kami sa bahay ninyo, ayoko namang maistorbo ko kayo ng asawa mo, bigyan ninyo na kase ako ng bagong apo." Natatawang wika ni Mrs. Portland.

"Malaki naman po yung bahay namin grandma, kasya naman tayo doon eh." Sabat naman ni Bruce habang hawak hawak ang kamay ng kanyang lola.

"No. Gusto ko bigyan natin ng pribadong sandali ang mga magulang mo apo, para magkaroon ka na ng panibagong kapatid." Sagot naman nito sa apo.

"How about a honeymoon guys?" Suhestyon naman na wika ni Mr. Portland.

"Pa, Bea en ik gaan elke dag op huwelijksreis." [Dad, araw araw naman kaming nag-hohoneymoon ni Bea.] Natatawang pahayag nito sa ama sa wikang banyaga.

"Mijn zoon is echt in de war." [Malibog talaga ang anak ko.] Sabat naman nito.

Ipinagpaliban ko na lamang ang usapan ng mag-ama dahil hindi ko naman naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Habang si Mrs. Portland naman ay nakangiti lang sa dalawa.

"At Bea, tutal malapit naman na ang birthday ng aking apo. Please can I have your consent na sa mansyon ko na lamang i-celebrate ang birthday ni Bruce? Babawi ako sa apo ko dahil wala ako sa birthday niya last year, kung okay lang naman sa iyo hija." Wika nito.

"Mimi can we, please?" Nagpapacute na segunda naman ni Bruce sa akin habang ang magkabilang palad ay magkalapat na parang nagdarasal lang.

Wala pa naman akong plano sa mangyayaring birthday ng anak ko. Ang plano ko lang sana ay i-celebrate lang ito sa bahay simpleng handaan lang. Ayoko naman tanggihan ang alok ni Mrs. Portland dahil alam kong miss na miss niya ang kanyang apo.

"Opo naman Ma, alam ko kahit tatangi ako ay pipilitin mo pa rin ako." Natatawang wika ko dito.

Kuminang naman ang mata ng ginang at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you so much Bea at pinagbigyan mo ang hiling ko." Wika nito.

"Yehey!" Sigaw naman ng aking anak.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon