Chapter 34
"BEATRICE!"
Sigaw sa akin ni Nicole nang makita ako nito, halos mahulog na ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya. Nasa isang inuupahang apartment ako ngayon dito sa Q.C. kasama kong umuwi ang mga anak ko pabalik ng Pilipinas.
Natapos na ang una kong seminar at tatlong araw na akong nakabalik dito ng Pilipinas.
Pinalakihan ko ito ng mata sa sobrang pagkagulat sa kanya. Tinawagan ko kasi ito nang nagdesisyon akong sabihin sa kanya. Hindi nito alam na nakabalik na ako dito. Akala ko nga hindi ito pupunta ngayon dahil busy ito sa kanyang mga clients.
"Look who's back?!" Sigaw nito habang papalapit sa akin. "Loka ka, since when you have returned?, Nakakatampo ka naman Bruhilda ka, sana sinabi mo sa akin na bumalik ka na para nasundo kita sa airport." Panenermon nito.
Napakamot na lamang ako ng ulo, tumayo na ako at hinalikan sa pisngi ang aking kaibigan at niyakap ng mahigpit.
"Pakshet! Sana all maganda." Puri nito. "Bakit parang blooming ka ngayon kaysa noong huli tayong nagkita?"
Tipid naman akong napangiti. Hindi naman ako nag-ayos ngayon dahil nasa bahay lang ako. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Nicole, minsan kasi may pagka-echos din nito.
"Salamat." Sagot ko sa kanya. "Na miss kita, it's good to see you again, Nicole. Plano ko talagang sorpresahin ka." Natatawa kong hayag sa kanya.
"Hay naku, may alam ka pa talaga sa ganyan hah." Wika nito.
Umupo na kami pareho sa couch na magkahawak kamay. Na miss ko ng sobrang hetong si Nicole. Na-miss ko sa kanya ang mga talak nito. Hindi mo talaga aakalain na successful lawyer ito.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap ni Nicole nang lumabas sa kwarto si Mikey.
"Mimi. Buksan mo nga ang TV." Nakakamot na ulong sabi nito. Kakagising lang nito at magulo pa ang buhok.
Napatingin naman kami ni Nicole sa gawi niya.
"Hey. Hello Mikey, Ninang Nicole is here." Kaway nito sa aking anak.
Agad naman lumapit ang anak ko saamin ni Nicole. Pumunta ito sa akin at hinihila ang kamay ko.
"Turn on the TV, gusto ko manood." Hindi nito pinansin si Nicole.
Nakasimangot ako sa kanya. Ayan nanaman si Mikey may bisita nanaman at nagsisimula nanamang mang-inis sa akin.
"Bahala ka hindi ko bubuksan kung hindi mo aayusin ang ugali mo. Binabati ka ng ninang Nicole mo." Sermon ko dito.
Lumingon naman ito ka Nicole na nakanguso.
"Hello po." Nakayukong sabi nito habang lumalapit kay Nicole.
"Naku, ang cute talaga ni Mikey, pinaglihi mo yata sa sama ng loob itong anak mo kaya nakabusangot ng ganito." Ani nito bago pinapak ng halik si Mikey. Ang anak ko naman ay parang naiirita sa ginagawa ng kanyang ninang.
Natawa na lamang ako sa expression nito.
"Pero in fairness, hindi mo pa rin maitatanggi na may dugong Portland itong si Michael." Ani ni Nicole.
Natahimik naman ako sa sinabi nito. Bumitaw na si Mikey sa kanya, nagtatatakbo na ito pabalik ng kwarto.
"Oh, sumimangot ka yata diyan?" Tanong nito sa akin. Ipinagwalang bahala ko na lamang ang sinabi ni Nicole.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng apartment at iniluwa niyon si Bruce. Pawisan pa ang anak ko nakasuot pa ito ng jersey shirt, katatapos lang nitong magbasketball. Nakakagulat lang itong si Bruce, tatlong araw pa kami dito sa Pilipinas may mga kaibigan na ito dito.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...