Chapter 21
Tulala ako habang pinagmamasdan ang kalendaryo sa aking cellphone. Bisperas na ng pasko mamaya pero hindi pa rin umuuwi si Carson. Wala siguro itong pakialam sa akin, hindi ko na rin siya na-contact ulit, ganito na ba talaga ito ka busy at hindi ako matawagan? Pangako niya sa akin bago magpasko ay andito na siya at kasama ko.
"Okay ka lang ba talaga, Bea?" Sumulpot si Nicole sa aking likuran, nasa bahay ko ito ngayon at hinatiran ako ng cake.
"Sabi niya sa akin, uuwi na siya bago mag-Christmas pero Christmas na mamaya wala pa rin siya." Tugon ko kay Nicole sa malungkot na tinig.
Napansin ko rin si Nicole tahimik din ito at mukhang malungkot din.
"Oh bakit malungkot ka rin yata, ano ang atin?"
Bumuntong hininga ito "Eh si Tyler kase tinakas ang anak ko ng walang paalam, magpapasko na hindi ko kasama si Asryn." Tukoy nito sa kanyang anak na minsang nakaaway ng anak ko.
Napabaling naman sa iba si Nicole. "Naku mapepektusan ko talaga iyang si Tyler, humanda talaga iyan sa akin pag-uwi ko."
Niyakap ko ito. "Ikaw naman kasi eh, inaway mo ba?"
"Oo nag-away kami kagabi, hindi kasi naka-score sa akin nagalit siguro at tinakas ang anak ko."
"Tsk. Tsk." Pailing kong sabi. "Komprontahin mo, pag-usapan niyo iyan."
Bigla itong namewang. "Teka bakit napunta sa akin ang usapan?" Lumapit ito sa akin at pinaupo ako sa couch. "Sabihin mo nga, tinawagan ka na ba niya ulit?"
Umiling ako.
"Naku, isa pa iyang asawa mo, pag-uuntigin ko ang itlog nila ni Tyler eh."
"Hindi nga eh, ang huling tawag ko sa kanya ay tatlong araw na ang nakakalipas, hindi na nasundan."
Napayakap na lamang sa akin si Nicole.
Ilang minuto lang ay may tumawag kay Nicole.
Si Tyler ito at pina-uuwi na siya.
"Oh, paano ba iyan Bea, hahambalusin ko muna ang asawa ko. Kung nabobored ka dito sa bahay mo, welcome na welcome ka sa amin. Oh paano aalis na ako, Merry Christmas na lang sa iyo."
Nagmamadali na itong umalis, napangiti na lamang ako sa papalayo kong kaibigan.
Mag-isa nanaman ako, kumawala ako ng buntong hininga.
Hindi ko namalayan ang oras at 12 am na pala. Nakapagluto na rin ako ng handa. Simple lang iyon wala rin namang ibang kakain kundi ako lang.
Ito ang unang paskong hindi ko kasama ang mag-ama ko, at sobrang naaapektuhan ako. Napakalungkot naman ng buhay kong ito.
"Merry Christmas Bruce, Carson namiss ko na kayong dalawa. Mahal na mahal ko kayo."
Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Nakatulala lang ako sa loptop, hinihintay ko kasi ang tawag nila mula Belgium.
Maya maya pa ay pumasok na sa room ang account ni Mr. Portland sa Zoom.
Bumungad sa akin ang itsura ng anak kong si Bruce, naka Santa Claus costume ito at napangiti sa akin.
"Mimi!" Sigaw ng aking anak ng makita ako. 6 pm pa lang sa kanila at pasko na dito sa Pilipinas.
Nagalak naman ako sa tuwa ng makita ko ang anak ko, ngayon ko na rin siya ulit nakausap.
"Merry Christmas anak, kumusta ka na diyan." Naiiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...