Chapter 56
Gabi na ay wala pa rin akong balita tungkol kay Mikey. Nakaidlip lang ako saglit hindi ko namalayan ang sobrang pagod ko. Ilang araw na ba akong hindi nakakatulog ng maayos simula ng umalis si Mikey? Mabigat ang katawan kong nag-inat parang hinihila pa ako ng katawan ko na muling matulog.
Huminga ako ng malalim at iminulat ang mata ko.
Nagdesisyon na lamang akong bumangon ng higa. Kinapa ko ang katabi ko. Hindi ko makita si Robbie, katabi ko kasi ito natulog. Medyo madilim sa kwarto at hindi ko maaninag ang paligid.
"Robbie." Tawag ko sa anak ko.
Baka nasalabas ito.
Lalabas na sana ako ng may maamoy akong usok na nasusunog na plastic. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin para tingnan ito.
Paglabas ko ay bumulaga sa akin ang naglalagablab na apoy na sala namin.
Nasusunog ang bahay!
Agad akong naalarma para hanapin si Robbie.
"Robert! Nasaan ka?!" Sigaw ko sa anak ko. Nangangamba ako na baka may nangyari na sa kanya.
Kinabahan ako sa nakita ko sobrang init na sa loob at mas lumalakas pa ang apoy.
Halos wala na akong makita sa kapal ng usok.
"Robbie!" Patakbo kong binuksan ang kwarto niya baka sakaling nandoon siya, pero wala akong nakita. Mabilis akong lumabas ng kwarto para muli siyang hanapin.
"Robert sumagot ka anak nasaan ka?!" Naiiyak ko ng tanong. Halos hindi na ako makahinga sa usok na nililikha ng malaking apoy.
Walang sagot si Robbie sa akin.
Inikot ko pa ang buong bahay kahit naiinitan na ako. Ang importante ay makita ko siya.
Napapaubo na ako sa nasisinghot kong usok malabo na rin ang paningin ko.
"Robbie, sumagot ka nasaan ka anak?"
But still wala akong narinig.
Nasaan na siya?
Diyos ko huwag ninyo pong hayaan na may mangyari sa bunso kong anak.
Tumakbo ako ulit sa loob para hanapin siya. Hindi ako mapalagay hanggat hindi ko siya nakikita.
Minutes passed, the flame continued to grow. I stopped putting the fire out with water because it only worsened the fire due to burned, live wires scattered inside the house.
Na trap na ako sa loob at wala na akong mapupuntahan pa. Hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Nagpanic na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
I hear the siren of the fire truck.
"Mimi!" I heard a voice. That's him!
It's Robbie.
"Robert nasaan ka?!" I shouted.
"Comfort room I can't get out! Mimi! I'm gonna die! Huhuhu help me!" Sigaw ng anak ko.
Lalapit na sana ako, kaso napakalakas na talaga ng apoy sa kinaroroonan niya.
Wala akong magawa kundi tingnan na lamang ang apoy na kumakain sa aming bahay.
"Robert..." Nanghina ang napaupo hindi ko na alam ang gagawin ko.
Robert did not respond.
I gave up my hope of saving us.
Sana may magligtas sa amin.
Naramdaman ko na lamang na may basang kumot na bumalot sa aking katawan.

BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...