Chapter 15
Natapos ng masaya ang kaarawan ng anak ko sa mansyon nina Mama.
Kahit nakalipas na ang isang linggo ay hindi pa rin matatawaran ang saya ni Bruce sa naganap na kaarawan niya.
Umuwi na rin ang ibang kapatid at pamangkin ni Carson at pumunta na sa kani-kanilang bansa.
Nauna ng bumalik ng Belgium si Mr. Portland dahil marami pa itong aasikasuhin sa kanilang business sa nasabing bansa.
Habang si Mrs. Portland naman ay nasa mansyon pa rin.
Hihintayin kasi nito na matapos ang klase ni Bruce dahil magbabakasyon ito sa Belgium kasama ang kanyang mga lolo at lola.
Tumanggi naman si Carson na sumama kami dahil mag-i-Italy naman kaming mag-asawa.
Simula nang matapos ang kaarawan ni Bruce ay naging abala na si Carson sa kanyang trabaho. May mga bagong investors kasi ito na interesado sa kanyang dredging business.
Habang ako naman ay nanatili na sa aming bahay at inaasikaso ang asawa at anak ko kapag umuuwi sila galing trabaho at paaralan.
Paminsan minsan ay dinadalaw rin naman ako ni Mrs. Portland sa bahay at iniimbitahang dumalo sa mga events na guests siya.
Hindi ko naman matatanggihan ang alok niya kaya pinagbibigyan ko siya at hindi rin naman nagiging mahigpit si Carson sa akin kung saan ako pumupunta sa mga nagdaang araw.
Araw araw ay nahihilo at nagsusuka pa rin ako at hindi na ako dinadatnan.
Sa aking palagay ay buntis na talaga ako. Kumuha na rin ako ng appointment sa doctor para magpakunsulta at makumpirma kung buntis nga ako.
Lumipas ang gabi ay nakarating na rin ang mag-ama ko, agad ko na silang pinakain.
Habang gumagawa ng assignment niya si Bruce sa kanyang kwarto ay nagdesisyon akong gawan muna siya ng gatas bago matulog.
Si Carson naman ay abala sa aming kwarto dahil may tinatapos itong mahalagang dokumento para sa kanyang trabaho.
Nang maipagtimpla ko si Bruce ay agad na akong nagtungo sa sarili nitong kwarto at inilapag ang gatas at cookies na ginawa ko para sa kanya.
"Kain ka muna, baby ang sipag mo ngayon ah." Wika ko sa kanya.
Nakapagbihis na ito ng pantulog at ginagawa na lamang ang kanyang assignment.
Gumanti naman ng ngiti ang anak ko habang nagsusulat sa kanyang mini table katabi ang lampshade na nagsisilbing ilaw niya.
"Yes Mimi, I'm excited to go out of the country with Grandma, are you sure that you won't join us?" Lambing na wika nito sa akin.
"Hindi eh, may honeymoon din kasi kami ng Dada mo, baka hahabol na lang kami papuntang Brussels." Maikling sabi ko na lamang sa anak ko habang hinihimas ko ang noo nito.
"I'll be missing you Mimi, take care always here ha?" Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit.
Napapikit ako sa yakap ng anak ko. Ngayon ko lang siya hindi makakasama ng matagal.
"Ma mimiss din kita anak," wika ko dito.
Binantayan ko na lamang ang anak ko habang nagpatuloy na itong gumawa ng kanyang assignment.
Nang matapos ito ay inihanda ko na ang kanyang kama. Kinuwentuhan ko pa ito ng bed time story hindi ko na rin masyadong nagagawa ito sa kanya.
Nang makatulog siya ay pinatay ko na ang ilaw sa kanyang kwarto tanging lampshade na lamang ang nakabukas at isinarado ko na ang pinto.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...