Chapter 53
Unti-unti kong minulat ang mata ko, paggising ko ay kaharap ko pa rin si Carson at masuyong binabantayan pa rin ako.
Agad niya akong inalalayan ng makita niyang papaupo na ako.
Papasikat na rin ang araw ng magising ako.
Muli niya pang hinawakan ang noo ko.
He smiled at me. "Bumaba na ang lagnat mo."
"S-Salamat sayo Carson..." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"It's my pleasure to serve my wife." Napatingin ako sa bonfire na may apoy pa rin. "Masakit pa ba ang paa mo?"
Kinapa ko ang sugat ko nakatali pa rin ang pirasong tela ng polo niya may dahon pa yatang nakalagay doon.
Medyo hindi naman na masakit.
Umiling ako. "Hindi na."
"Do you want to eat? Pasensya ka na isda pa rin ang maiooffer ko sayo yan lang ang nakuha ko."
Tumango naman ako.
Ngumiti ito bago kunin ang isda na luto na. Inihipan muna nito at tinaggal ang balat bago pinakain sa akin.
"Open your mouth." Utos nito sa akin.
Sinubo ko ang pirasong isdang nahuli niya at kinain iyon.
Nakakatawang isipin na ang taong minahal mo ang siya ring sasaktan sayo at ang taong nanakit sayo ay siya ring mag-aalis ng sakit na nararamdaman mo.
Natapos akong kumain at gumanda na rin kahit papaano ang pakiramdam ko. Salamat kay Carson dahil nagkaroon ako ulit ng lakas.
Pansin ko naman na kanina pa siya titig na titig sa akin. Tiningnan ko rin siya maya-maya pa ay nag-iwas ito ng tingin nahiya siguro sa akin.
Umalis ito sa bahay na gawa niya at pasimpleng nag-inat ng kanyang katawan patalikod sa akin. Nakita ko naman na tinatanggal niya ang suot niyang polo at nagsimulang magworkout. Pinagmamasdan ko lang siyang nagpupush-up.
Pagkatapos ay umupo naman ito sa buhanginan patalikod sa akin.
I saw him sitting in meditative postures. Nagrerelax si Carson kaharapan ang karagatan.
Nang magsawa ito ay muli ng bumalik sa akin. Kinuha na nito muli ang kanyang sirang polo at ginawang pamunas sa kanyang hubad na katawan.
I saw his biceps, his chest na mas lalong lumaki pa yata. Napadako pa ang tingin ko sa kanyang pawisan pang abs at bumaba pa ang tingin ko sa nang-aakit niyang V-line.
He's like a greek-god na bumaba sa langit.
Napailing na lamang ako sa aking naiisip. Nakita ko naman siya na nakangisi sa akin habang tinatali niya ang mahaba na niyang buhok.
"Do you enjoy what you see?" Ngisi nito.
Inisnaban ko na lang siya.
Maya-maya pa ay muli siyang lumapit sa akin. "I like your hairstyle now. Bumagay sayo. Kelan ka pa nagpahaba ng buhok?" Tanong ko sa kanya.
"Magdadalawang taon na. I like your haircut too. Kelan ka naman nagpagupit ng ganyan? You look like a mature woman now."
Napahawak naman ako sa maikling buhok ko na ngayon. "Since you left me." Tanging nasabi ko sa kanya.
Natigilan ito.
"Bea..."
"I-I still love you..." He said.
"Carson... Heto na naman tayo." Tumayo na ako at balak ko na sana siyang iwanan.
"Wait up hold on please, can you just give me a few minutes to talk to you? After this I probably won't able to see you." Pigil nito sa akin. "Just listen to me for a bit, and if you want I wont bother you anymore. Titigil na talaga ako, but for now please just give me a few minutes."
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...