Chapter 29
Sumapit ang hapon nang makagising ako. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko dakip pa rin pala ako ni Carson. Pilit ko pa ring tinatanggal ang pagkakapit ng handcuff sa headboard ng kama. Pakiramdam ko ang kaliwang pulso ko ay namamaga na dahil sa higpit ng pagkakaposas sa akin.
Hanggang sa nagsawa na lang ako dahil wala rin naman akong napapala. Hindi pa rin ako makakatakas dito.
Sinusumpa ko talaga si Carson kapag nakatakas ako dito.
Minuto lang ay nagulat ako sa pagbukas ng pinto, natanaw ko si Carson na dala-dala si Bruce sa kanyang balikat na animo'y sako lang ng bigas.
"Bruce!" Sigaw ko sa anak ko. Wala itong malay.
Inilapag ito ni Carson sa tapat ng kama katabi ko.
"Walang hiya ka! Ano ang ginawa mo sa anak ko?!" Galit na sigaw ko dito.
"Relax lang Bea, nakatulog lang si Bruce. Gigising din yan maya-maya." Wika nito na para bang hindi nag-aalala sa anak. Sumandal pa ito sa dingding ng kwarto at tamad akong tiningnan.
"Baliw ka na ba Carson?!, Ano ba ang gusto mo hah?! Ano na ba ang nangyayari sayo!" Naluluha kong sabi.
Hindi ito sumagot sa akin.
"Magluluto lang ako, paniguradong gutom na kayo." Paalam nito sa akin bago ako tinalikuran. Sa sobrang inis at galit ko sa kanya binato ko siya ng unan. Natamaan siya sa likod.
Lumingon ito sa akin. "Behave wife," ngisi nito tsaka sinarado ang pinto.
Agad ko namang tiningnan ang anak ko. Nahihimbing ito sa pagtulog. Gamit ang isang kamay ay hinawakan ko ang mukha nito.
"Anak, itatakas kita rito, pangako iyan." Naiiyak kong wika.
****
Tila wala ako sa sarili habang pinagmamasdan ang anak ko, hindi pa rin kasi ito nagigising, kinabahan na ako, alam kong may ginawa si Carson sa anak ko.
Sa ginagawa mong ito Carson mas lalo mong pinapalayo ang loob ko sayo. Napakasama mo.
Tulala lang ako tinitingnan ang anak ko na parang nasisiraan ng bait.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na, na unti-unti ng nagigising si Bruce mula sa pagkakatulog.
Nangunot ang noo nito ng matanaw ako, biglang napamulat si Bruce at napabangon ng makita ako.
"Mimi!" Gulat na sigaw ng anak ko. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "What happened to you? Why do you have so many bruises?" Sunud-sunod na tanong nito.
Hinawakan nito ang aking mukha. Nahahabag ang aking anak ng makita ang itsura ko.
"Who did this to you?!, Is it Dada right?!" Naluluhang wika ng anak ko.
Segundo lang ay bumukas ang pinto at iniluwa si Carson. May dala nanaman itong tray na may pagkain. Inilapag nito sa side table ang dala.
"Oh gising ka na pala Bruce kumain na kayo ng Mimi mo." Kaswal na salita nito sa aking anak.
Natahimik naman si Bruce nang makita ang ama, at maya-maya'y nagsalita.
"Dada what did you do to my Mimi?!, How could you do this to her?! You're so cruel! you're bad! I hate you!" Naiiyak na sabi ni Bruce sa kanyang ama. Pumunta si Bruce at sinugod si Carson. Pinagsusuntok nito ng kanyang maliliit na kamao ang ama.
Pumikit naman ng madiin si Carson at pinipigilan lang mapikon sa anak.
"Bruce..." Awat ko sa anak ko. Natatakot kasi ako na baka saktan siya ni Carson. Parang wala na kasi ito sa sarili. Hindi ko na alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ito.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...