Chapter 26 | CONFRONTATION

495 19 3
                                    

Chapter 26

"WHERE HAVE YOU BEEN?!" Galit na sigaw nito sa akin.

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata pulang pula ito sa galit at alam kong pinipigilan niya lang ang kanyang sarili.

Nahihilo ako at sobrang sakit ng ulo ko gusto ko ng matulog at ayaw kong makipagsagutan sa kanya. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagduduwal, hindi ko napigilan sukahan siya. Napamura pa ito.

"PVTA*GINA! ARE YOU DRUNK BEA?!" Ngayon lang siguro nito nalaman na lasing ako. Hindi kasi ako nagpahalata sa kanya kanina.

Hinawakan ako nito sa magkabilang braso at iniharap sa kanya wala siyang pakialam kahit nasukahan ko na siya.

"HINDI MO BA ALAM NA BUNTIS KA?! NAPAKA-CARELESS MO, HUWAG MONG IDAMAY ANG ANAK KO SA PAGPAPABAYA MO SA SARILI MO! BAKIT KA NAGLASING?! TELL ME!" halos mabingi na ako sa sigaw nito napapikit ako ng mata at wala pa rin akong balak na sagutin siya. "D*MN IT, BEA ANSWER ME!" Mas diniinan pa nito ang pagkakadiin ng kanyang kamay nasasaktan na ako.

"Let go of me." Ayoko Carson, pagod ako.

"NO. SABIHIN MO SA AKIN KUNG BAKIT KA NAGLASING!" Bumubulusok na ang mga mata nito sa galit wala itong pakialam kung nasasaktan niya ako. Ganun naman siya eh. Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. "KYLE TOLD ME AWHILE AGO, BAKIT MO PINUNTAHAN SI FRANCIS SA HOSPITAL?! ANO ANG GINAWA NINYO NAKIPAGBALIKAN KA NA BA SA KANYA?!, HUWAG MO AKONG PUNUIN BEA, SAGUTIN MO AKO!"

"Ano ba! Pagod na ako Carson gusto ko ng matulog, ayokong makipag-usap sayo." Inipon ko ang lakas ko para makawala sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin.

Nang makawala ako sa kanya ay inirapan ko ito at dali-daling nagtungo sa kwarto namin, ayokong maabutan niya ako. Anong inaakala niya? Siya lang ba ang may karapatang magalit. Pvta*gina! Mas galit na galit ako. Gag* siya! Ginagawa niya talaga akong bobo!

"TSK! BEA COME BACK HERE!" Narinig ko pa ang pagtawag niya sa aking likod pero hindi ko siya nilingon.

Mabilis ang mga hakbang na ginawa ko makapasok lang ng aming kwarto. Ilang beses niya pa akong tinatawag habang nakasunod siya sa akin, lakad takbo na ang ginawa ko. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan, tao lang ako. Kanina ko pang gustong magwala sa harap niya pero pinipigilan ko lang. At ngayon nga bumuhos na. Pvta*gina niya! Tagos na tagos ang ginawa niya!

Ganon na ba talaga ako ka bobo?

Akala ko okay na kaming mag-asawa pero, naglihim siya! He lied to me! Kung hindi ko pa siguro sinagot ang tawag ng anak niyang iyon, hindi ko pa malalaman ang lahat ng sagot.

Nakakapvta*gina!

Dali-dali kong nilock ang pinto ng makapasok na ako ng aming kwarto. Narinig ko pa ang pagwawala niya sa labas ng pinto.

"OPEN THIS FVCKING DOOR! BEA!" Sigaw nito sa labas.

Hinang hina akong umupo sa tabi ng aming kama. Baka mag-collapse na ako. Nawala na rin ang hilo ko. Gigil kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Maya-maya pa wala na akong narinig na ingay sa labas napagod na rin siguro si Carson.

Ayaw pa rin tumigil sa katutulo ang luha ko, ang sakit sakit na ng dibdib ko. Hinimas ko ang tiyan ko at masuyong hinaplos ito.

"Pasensya ka na anak, alam kong mali ang ginawa ko, nagpakalunod ako sa alak, hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang mga problemang ito. Patawarin mo ako sa nagawa ko. Hindi ko na talaga kaya." Naluluha kong sabi sa aking tiyan.

Segundo lang ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Carson na hingal na hingal ng makaharap ako. Nabuksan siguro nito ang pinto dahil may extra siyang susi sa aming kwarto. Kumalma na rin ito, lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa aking balikat. Agad akong umurong ng upo.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon