Chapter 11 | COALESCE

512 14 0
                                    

Chapter 11

Pagising ko ay wala na si Carson sa tabi ko agad akong bumangon at nagbihis. Pagkatapos ako nitong pagsawaan ay nawala nanaman ito ng parang bula.

Tumungo ako ng kusina nagbabakasakaling andun ito pero wala akong nadatnan.

Tiningnan ko ang orasan at mag-aalas kwatro na darating na ang anak ko galing school.

Tinungo ko ang garden at nakita ko na naroon si Carson naghaharvest ito ng tanim naming okra medyo pawisan pa ito at tanging short lang ang suot. Naka umbok pa ang ipinagmamalaki nito.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin ng mapadako rin ang tingin niya dito.

"Akala ko umalis ka nanaman." Sabi ko dito.

"Hindi ko na gagawin iyon. Dito na lang ako kasama kayo ng anak ko. Tinawagan ko na rin ang sales agent para ibenta ang binili kong condo." Sabi nito habang pinapahiran ang pawis sa leeg nito gamit ang kanyang bimpo na nakasalampay sa kanyang balikat.

"Pinagbili mo na ang condo mo?" Tanong ko dito.

"Oo eh hindi ba ikaw itong galit na galit sa akin kung bakit bumili ako ng condo?" Patakang tanong nito sa akin.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Pero kase wala ng pupuntahan ang babae mo doon." Biglang sabi ko sa kanya.

"Hoy, ikaw lang ang babaeng gustong pasukan ng bff ko. Hindi ako naghanap ng iba habang nasa condo ako." Lumapit ito sa akin.

Napakasinungaling talaga.

"Ah ganon? Eh ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit mayroon kang gamit na condom doon sa condo mo?" Hamon ko dito.

Bigla nanaman akong nainis dahil naalala ko nanaman ang eksena na iyon.

Natigilan ito at para bang napaisip pa.

"I have never used a condom with you?" Nakakunot noong sabi nito.

"Hindi sa akin sa babae mo." Nagsusuplada kong sabi nagsisimula nanaman akong mabuysit.

Tanga tangahan lang Carson?

"Wala namang nangyari sa amin ni Dolly sa pagkakaalam ko. We kissed but we never fvck." Straight forward na sabi nito sa akin.

"Sinungaling ka talaga." Sabi ko dito.

"Believe me teddy bear, walang nangyari sa amin yung halik na iyon wala yun. Galit lang talaga ako sayo nun kaya ginawa ko iyon." Lumapit pa ito sa akin.

"So alam mong darating ako nung araw na iyon kaya ginawa mo iyon?" Tanong ko ulit buysit na ako.

"Oo." Maikling sabi nito sa akin.

"I'm sorry okay?, I am suck explaining everything wife, kilala mo naman ako. Wala talagang nangyari sa amin ni Dolly at yung condom I don't know kung bakit meron ako noon sa condo ko pero believe me wife, hindi ko kailanman hinangad na pagtaksilan ka." Sabi nito sa akin habang hawak ang mukha ko.

Hindi ako naniniwala dito.

Tinangal ko ang kanyang kamay sa mukha ko.

"Hindi ako naniniwala sayo." Pinal kong sabi sa kanya.

Tatalikod na sana ako sa kanya ngunit agaran niya akong hinila papunta sa kanya.

Hinalikan niya ako ng madiin.

Isang segundo lang ay parang tuluyan na akong nilamon ng halik ni Carson. Pinilit kong labanan ang katawan ko para iwasan siya pero mukhang nagbobolontaryo pa itong hawakan ang batok niya. Nag-iinit na ako.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon