Chapter 14
"So how was it?!" Excited na tanong ng birthday planner sa amin para sa gaganaping 7th birthday ni Bruce.
Nagkasundo kami na Attack on Titan ang magiging theme sa gaganaping birthday ni Bruce.
Nung una ay ayaw pa ni Mama dahil hindi naman daw siya makarelate sa mga anime ngayon pero nangulit si Bruce na gusto niya na kakaiba ang tema ng magiging 7th birthday niya.
Kuminang naman ang mata ni Bruce sa narinig dahil settled na ang deal sa magiging kaarawan nito.
Nasa mansyon kami ngayon para pag-handaan ang espesyal na araw para sa aking anak.
"Dada! I will be Eren?! I will crushed all the titans." Excited na wika nito sa ama.
Magkakaroon kasi ng maliit na play kung saan lalabas si Bruce bago magsimula ang kanyang birthday celebration.
"Yes son, and I will be the attack titan." Sagot naman nito sa anak.
Lumaki ang mata ni Bruce at biglang tinanong ang ama.
"You're going naked on my birthday Dada?!" Amazed na tanong nito sa ama.
Biglang napa ubo ang dalagang birthday planner nakausap namin maging sina Mama at Papa ay napaismid sa sinabi ni Bruce.
Hindi naman ako masyadong fan ng anime na iyon pero alam ko nakahubad ang mga giants doon.
Napatawa naman si Carson sa sinabi ng kanyang anak. Tsaka tumingin sa akin at kinagat ang pang-ibabang labi.
Akala ko magagalit na siya sa akin nung nagdaang araw dahil tinalikuran na lang niya ako basta basta at natulog na.
Muli akong napatingin sa kanya at hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Napatingin naman ako sa gawi ni Bruce tiningnan nito ang ama at bago bumaling ng tingin sa akin.
Bruce raised his eyebrows and smiled at me.
Lumabas pa ang isang dimple nito.
Tumingin naman si Carson sa kanyang anak bago napa-smirk.
Sa inis ko inisnaban ko siya.
Napangiti na lang ng palihim si Papa sa inaasta ng kanyang anak kanina pa pala kami nilang binabantayan.
"Anyways, I think we are all set at handa na ang magiging birthday party ng aking apo." Ani ni Mrs. Portland.
"Opo ma'am, wala na hong magiging problema, kami na po ang bahala mag-desiminate ng mga invitations at ang crew ko na po ang bahala sa mga foods and designs for the upcoming birthday ng iyong apo." Ani ng birthday planner.
Kinamayan niya na kami at pagkatapos nun ay hinatid na namin siya sa labas ng mansyon.
Abala naman ang lahat ng mga tauhan ni Mrs. Portland sa paglilinis ng mansyon. At kahit next week pa ang birthday ni Bruce ay pinasadya na niya itong pinalinisan.
Pagkatapos nun ay hinatid na ni Carson si Bruce sa kanyang paaralan at dumiretso na ito ng kanyang trabaho.
Nagpaiwan naman ako sa mansyon at hihintayin ko na lamang si Carson na umuwi ulit ng makauwi kami ng aming bahay.
Habang pinapatay namin ang oras, ay tinulungan ko na lamang si Mrs. Portland na magbake ng cake. Mahilig din kasi itong magbake, gumawa rin kami ng cookies.
Si Mr. Portland naman ay abala ito sa kanyang private library upang kumustahin ang kanyang kompanya sa ibang bansa. Binigyan din namin siya ng niluto naming cake at cookies.
Nang sumapit ang hapon ay dumating na sina Carson at Bruce sa mansyon.
Masuyo naman kaming nagpaalam sa mag-asawa para makauwi.

BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...