Chapter 47 | UNEXPECTED

450 23 3
                                    

Chapter 47

I'm on my way to my meeting when I noticed my two children arguing.

"No don't skip yet kuys chef. Who's that guy ba at bakit buysit ka sa itsura niya?" Maktol ni Robbie kay Mikey ng marinig ko ito.

Nag-aagawan kasi sila sa tablet na parang may pinagtatalunan. "Ayoko nun ang pangit nun." Reklamo naman ni Mikey sa kanya.

"Ang gwapo kaya niya. we both look alike." Depensa naman ni Robbie sa kapatid. Pinagpantay pa nito ang kuhang litrato sa tablet.

"Diba Mimi magkamukha kami ni Dada?" Hinging opinyon naman sa akin ni Robbie.

Nginitian ko na lang ang anak ko at pinagpatuloy ang pagmi-make-up.

"Mas magkamukha tayo." Sabat naman ni Mikey.

"Ayoko sa mukha mo. Nakabusangot lagi tingnan mo oh. Eleben ka pa lang may wingkels ka na agad." Ani Robbie sa kapatid.

"Eleven. At hindi wingkels. Wrinkles, Robbie." Pagtatama naman ni Mikey sa kanya.

"Parehas lang yun. Magkatunog naman e. Basta ako kamukha ni Dada sa atin tatlo nina kuya Bruce. Mas pogi pa nga ako eh." Mayabang na sabi naman nito sa kuya niya.

"Ako kamukha mo. Hindi mo magiging kamukha si Carson. Bad yun."

"Ih, basta. Bakit ba kuya Mikey di ko naman alam bakit galit ka kay Dada ano ba ginawa niya sa atin?" Sabi ni Robbie habang kinakati ang ulo nito naiinis na siguro kay Mikey.

"Malaki ang kasalanan niya sa atin. Kaya hindi mo magiging kamukha iyon."

"Ewan ko sayo kuya chef, hindi pa naman ako pinapanganak nun nung iniwan tayo ni Dada at ni kuya. At isa pa, hindi ako galit kay Dada. I want to meet him. Kapag nakita ko siya yayakapin ko siya." Natutuwang sabi naman nito sa kanyang kapatid.

"Dadaan muna siya sa akin bago ka niya mayakap." Salubong na kilay naman na wika ni Mikey sa kanya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Robbie. "Bitter mo naman sa buhay, huwag mo nga ako idamay sa kasupladuhan mo." Inagaw na muli nito ang kanyang tablet.

Lumapit na ako sa dalawang anak ko baka kasi magkapikunan pa sila.

"Tama na iyan." Pagsusuway ko sa kanilang dalawa. "Mga anak iiwan ko muna kayo saglit kay ninang Nicole ninyo makikipagkita ako ngayon sa bagong investor natin." Nakita ko namang nalungkot si Robbie.

"Robert, I need to do this to give you a good life and a better future." Hinawakan ko ito sa pisngi "Sandali lang naman si Mimi doon. Pagkatapos kong makipag-usap sa investor eh mamasyal tayo. Wala namang pasok at Sunday ngayon." Natutuwang sabi ko.

"Arcade tayo mamaya?" Offer ko sa kanila.

Ngumiti naman si Robbie sa akin.

I felt uneasy when my son, Robbie smiled at me.

I remember that smile.

Kuhang-kuha niya ang ngiti ng ama niya.

"Sure." Natutuwang sabi naman nito.

"Tara, we need to see your ninang first." Aya ko sa mga anak ko.

Sumakay na kami ng kotse ko at nagdrive papunta sa bahay nina Nicole. Buti at pumayag si Nicole na i-babysit ang dalawa kong anak. Hindi rin kasi naging busy sa nagdaang araw si Nicole kaya lagi nasa bahay ito. At isa pa nalulungkot ito dahil hindi na naman niya kasama ang kanyang anak sa bahay. As usual nasa tatay na naman marahil ito dahil nag-away noong nakaraang araw sina Nicole at Tyler.

Iiling-iling na lamang ako sa mag-asawa. Alam kong mahal na mahal nila ang isat-isa kaya kahit aso't-pusa silang mag-away magbabati rin sa huli. Pinapanalangin ko lang na sana hindi sila umabot sa nangyari sa aming dalawa ni Carson.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon