Chapter 41
"Carson..." Nakatulalang sabi naman ni Francis sa asawa ko.
"Yes it's me."
Tumingin naman sa akin si Francis na parang humihingi ng paliwanag kung bakit ko kasama si Carson ngayon.
"Nagkabalikan na kayo?" Tanong nito sa asawa ko.
"Hinde... Kumain lang kami sa restaurant." Ako na ang sumagot sa kanya.
Tumango tango naman si Francis.
"By the way, Francis ikaw lang ba mag-isa?" Pag-iiba ko ng tanong. May na bubuo na kasing tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Bruce, Mikey. You two get in the car." Utos ni Carson sa dalawang anak.
"Bye po tito." Paalam naman ni Bruce kay Francis.
Wala namang nagawa ang dalawa kundi mauna ng pumasok ng kanyang sasakyan.
Tiningnan ko lang silang dalawa parang any time magsasabong sila dito.
Wala kasing sumusuko sa kanila sa titigan.
"Hey guys." Narinig ko namang boses na papalapit sa amin.
Natauhan naman ang dalawa. "Ah, sorry Bea, nakalimutan ko palang sagutin ang tanong mo kanina."
"Si Jonas ang kasama ko." Dagdag pa nito.
"Hey Carson. Long time no see..." Ani ni Jonas. Nakatingin naman ito sa akin na nakakunot ang noo. Katulad ni Francis ay nagtataka rin ito kung bakit kaming magkasamang dalawa.
"Bea..." Tawag nito sa pangalan ko. "How are you? The last time I saw you was in Singapore. And... Bakit kayo magkasama ni Carson?" Nakakunot noong tanong nito.
"Okay lang ako Jonas, kumain lang kami ni Carson at ng mga anak ko."
Mas lalong nangunot ang noo ni Jonas at napatingin sa kaibigan nito.
"Carson what is this? Are you playing your game again?" Seryosong tanong ni Jonas sa kanya.
Mas lalo pang humigpit ang pagkaka-akbay nito sa akin. "No. Kinukuha ko lang ulit ang asawa ko." Nakipagtitigan din ito kay Jonas. "Is there a problem?"
"Carson can we talk in private? I just need to ask you something." Tanong naman ni Francis seryoso na rin ito.
Ngumisi naman si Carson sa kanya. "May itatanong din ako sayo Francis." Lumapit ito kay Francis at kinuwelyuhan at gigil na hinarap siya. "Hey listen, sa oras na makumpirma ko ang lahat, magtago ka na. Mali ka ng taong kinalaban mo."
Ngumisi rin naman si Francis sa kanya at maya-maya'y nangunot ang noo. "You're crazy, ano ba ang pinagsasabi mo Carson?" Sabi nito bago binitawan ang pagkakahawak sa kanya.
"Stop it!" Pigil ni Jonas sa kanilang dalawa. Pumagitna siya para awatin sila, mukhang nagkakainitan na ang mga ito.
Kung ano man ang pinag-uusapan nila ay hindi ko alam.
Parang na out of place ako sa kanilang tatlo. Parang hindi ako nag-eexist sa kanila.
Maya-maya'y nahimasmasan na si Carson.
"Okay. I'll take Bea home first." Walang ganang sabi naman ni Carson.
Nagpaalam na ako sa kanila. Mukha marami pa silang dapat pag-usapan. Hindi naman siguro ako kailangan doon. Pumasok na rin ako sa kotse.
Pagkahatid sa amin ni Carson ay nagpaalam na rin ito sa amin. Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang pinag-usapan nilang magkaibigan. Pero wala naman akong paki doon. Hindi ko na rin business yun na kailangan ko pang malaman.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...