Chapter 32
Pagod na pagod akong humiga ng aking kama, paano ba naman kase ang kulit ng dalawa kong anak, kung saan-saan kami nakaabot kanina sa Universal Theme Park, sobrang bibo nilang dalawa, lalong lalo na si Mikey na gusto lahat subukan ang nakikitang rides sa aming nadaraanan. Hindi ko rin namalayan na malalim na pala ang gabi.
Pinatulog ko na sa tabi ko si Mikey dahil ayaw nito katabi ang kuya. Mag-isa naman sa kanyang kwarto si Bruce, mabuti na lang at napakain ko na ang dalawang ito bago natulog, alam kong pagod na pagod din sila sa kakalaro doon.
Napangiti na lamang ako ng tinanaw ko ang anak ko na himbing na sa pagtulog. Yakap yakap pa ako nito.
Alos onse na ng gabi ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Hindi pa rin ako nakakatulog dahil ang likot-likot ni Mikey.
"Sandali lang." Bumangon ako at agad na bumukas ang pinto.
Nang hilain ko iyon pabukas ay nakita ko si Bruce naiiyak. Agad ko siyang dinaluhan ng hindi iyon tumitigil.
"Okay ka lang ba anak?" Tanong ko dito, hinahawakan ko naman ang likod nito para patahanin.
"I have a bad dream." Naiiyak na sabi.
Hinila ko ito papuntang kama at agad na niyakap.
"Sshh... Tahan na..." Alo ko dito.
Humihikbi pa rin ito.
"Mimi, hindi kita makita sa panag--inip ko... Wala ka raw sa tabi ko... Iniwan mo ako doon sa mara---ming tao, si baby Michael lang ang kinuha mo at hindi mo ako binalikan..." Naiiyak na wika nito sa akin...
Agad ko itong niyakap.
"Panaginip lang iyon anak hindi iyon totoo ha?, hinding hindi ko iyon gagawin, mahal na mahal ko kayo ni baby bro mo... Hinding hindi ko kayo iiwan.." Pagpapatahan ko dito.
Niyakap ko na lang si Bruce dahil naiiyak pa rin ito, natakot marahil ito sa kanyang panaginip.
"Mimi can I sleep here?" Wika nito ng mahimasmasan.
"Oo naman." Nakangiti kong wika sa kanya.
Agad namang ngumiti ang aking anak.
"Tabi na tayong tatlo."
Inalalayan ko na si Bruce para makatulog na. Pinalakas ko na rin ang aircon dahil pawis na pawis naman si Mikey.
Nang muli akong sumampa sa kama ay mahimbing ng natutulog si Bruce kasama ang kapatid. Tumabi na ako sa kanila at nagsimula na ring matulog dahil may pasok pa ako bukas.
****
"Ate! Diyos ko huhuhu.... Si Michael po binato nanaman ako ng baso." Napapadyak pa na hiyaw ni Helen sa akin. Siya ang nag-aalaga kay Mikey kapag nasa trabaho ako at nasa paaralan naman si Bruce.
Kakauwi ko lang ng trabaho at ayan nanaman ang bumungad sa akin.
Nagtatago pa ito sa likod ko nang lumabas naman si Mikey sa kusina at may dala pang baso na ibabato pa yata kay Helen.
"Mikey, stop it!" Awat ko sa anak ko pero wala yatang narinig ang anak ko at binato pa rin si Helen.
Tumungo ito sa kinaroroonan ko at ako ang nabato ni Mikey, buti na lang at hindi babasagin ang basong nakuha ng anak ko. Noong isang araw ay babasaging baso ang nakuha at ibinato sa yaya nito.
"I hate her! She won't let me to cook!" Sigaw naman nito sa akin.
"Mikey, tama na." Napipikon na ako.
Galit itong tumalikod sa amin at pumasok sa kwarto ni Bruce at padabog na isinara ang pinto.
Lumingon naman ako kay Helen na parang stress na stress pa rin dahil sa ginawa ng anak ko.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...